Polo Ravales, dinedma ni Jean Garcia by Gorgy’s Park

BUKOD KAY MARIAN Rivera, ang dami pang stars na involved sa Darna ang mga kontrobersyal din at maraming isyung pinag-uusapan.

Isa na rito ang katambal ni Marian sa fantaseryeng ito na si Mark Anthony Fernandez.

Muling sinagot ni Mark ang isyung nagkakaproblema sila ng asawa niya. Sabi naman ng aktor, kung talagang may problema sila, hindi naman daw niya ito itatago.

Magiging open naman daw siya sa publiko kung ano talaga ang kalagayan nilang mag-asawa. Pero sa ngayon, okay naman daw sila at totoong nagkaproblema noon, pero okay na raw sila ngayon at nagsasama naman daw sila sa iisang bubong.

Medyo ngarag nga lang daw siya ngayon sa taping ng Darna kaya hindi nito laging nakakasama ang kanyang pamilya.

Natawa na rin si Mark Anthony sa lumalabas pa ring intrigang may hinaharap daw ngayon na estafa case ang Mama niyang si Alma Moreno.

Ngayon lang daw niya nalamang may ganu’ng isyu ang Mama niya pero hindi naman daw totoo ‘yun. “Obviously, malapit na ang eleksiyon kaya nandiyan na ang mga gustong manira sa kanya,” sagot ng aktor.

Kung meron mang problema ang Mama niya sa mga utang, kaya na raw nitong bayaran. Hindi naman daw paaabutin ng Mama niya na magkaroon pa ng demandahan. “She can pay,”medyo mataray pang pahayag ni Mark Anthony.

MARAMI RIN ANG naintriga sa muling pagsasama nina Krissa Mae Arietta at Polo Ravales sa Darna.

Sila pa ang magka-partner bilang mga sindikatong makakalaban ni Darna kaya lagi silang magkaeksena.

Kuwento naman ni Krissa Mae, okay na raw sila ni Polo bago pa nila nalamang magsasama sila sa Darna. Nagkausap daw sila nang masinsinan at humingi na raw ng sorry si Polo sa kung ano mang nagawa nitong kasalanan kay Krissa Mae.

Hindi man daw sila naging friends pero wala na raw away at okay raw sila sa taping. Pero malabo na raw mabalik ‘yung dating pagtitinginan dahil haping-hapi naman ngayon si Krissa Mae kay Jay-R.

Kahit hindi pa rin nila inaaming sila na, obvious namang may espesyal na pagtitinginan ang dalawa.

Kung happy si Krissa Mae sa lovelife niya, si Polo naman ay zero dahil natuloy rin pala ang break-up nila ng model/ aspiring beauty queen girlfriend niya na si Bianca Paz.

Maayos naman daw ang break-up nila pero hindi pa raw sila friends hanggang ngayon. Pero may closure raw at okay raw silang dalawa bago nagkahiwalay.

Bukod kay Krissa Mae, nakipagbati na rin pala si Polo kay Ara Mina. Nagkaroon daw sila ng chance na makapag-usap sa isang taping at okay na raw sila. Ang hindi pa siya okay ay kay Jean Garcia. Ilang beses daw siyang nag-attempt na makipagbati pero dedma lang daw ang aktres, kaya hinayaan na lang daw niya muna dahil tingin niya, maghintay lang ng tamang panahon magiging okay rin sila ni Jean.

Abangan n’yo itong Darna sa darating na Lunes dahil talagang pinaghandaan nang husto ng GMA-7 na maging kapanapanabik ito para tutukan ng lahat.

Mukhang dito na sa Darna makakabawi ang telebabad ng GMA-7.

By Gorgy’s Park

loading...

2 thoughts on “Polo Ravales, dinedma ni Jean Garcia by Gorgy’s Park

  1. User si Polo Ravales, and I did not mean sexual. I mean financial. Lahat nang girls niya, inuutangan. Na turnoff siguro ang aspiring beauty queen Bianca Paz. Kasi, beauty queens, sanay silang sila ang nireregaluhan. Si Polo, siya pa siguro and humihingi.

Leave a Reply

Your email address will not be published.