Polo Ravales, ayaw magpatali sa TV networks

Polo-RavalesWALA NA palang kontrata si Polo Ravales sa GMA 7 at never daw siya pumirma na uli ng kontrata sa kahit saang TV network. Kaya nagulat siya nang isama siya sa cast ng Kambal Sirena sa role na mabangis na syokoy.

Buong akala raw ni Polo ay hindi na siya bibigyan ng project ng GMA 7 kaya masayang-masaya siya at magandang role pa ang ipinagkatiwala sa kanya sa serye. Nasa pangangalaga pa rin siya ni Direk Manny Valera.

Ask kung hindi ba siya nainip nang walang project? Kaagad na sagot ng actor na: “Hindi naman. Kasi may pinagkakaabalahan din naman akong iba, tulad ng resto business namin na matatagpuan sa Parañaque.”

 

PERSONAL: SALAMAT po sa lahat ng mga nakaalala ng aking kaarawan last February 28, sa GMA 7 at ABS CBN at ang hindi laging nakakalimot na si Kuya Boy Abunda na laging may regalo sa lahat ng mga press na nagdiriwang ng kanilang kaarawan.

Kaya lang nasaan na kaya ang OPM ni Mayor Herbert Bautista na birthday gift sa mga press na magse-celebrate ng kaarawan?

Anyway sa lahat ng mga bumati, maraming salamat po.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.