Politics is the Color of Love Jolo Revilla – Lovi Poe – Ronald Singson

BEFORE NA MADIKIT sa pangalan ni Melissa Ricks, matagal na ring karelasyon ni Papa Jolo Revilla si Lovi Poe. Naramdaman ng mga mahadera kung gaano kamahal ni Papa Jolo si Lovi. Kahit ayaw na niyang mapag-usapan pa ang aktres dahil sa break-up nila. Ikinanta rin ni Lovi na talagang wala na as in zero na sila ng binata ni Sen. Bong. Isa sa diumano’y dahilan ng hiwalayan nila ay ang hindi magandang karanasan ng dalaga kay Rosanna Roces, ang ina ng ex-girfriend ni Papa Jolo na si Grace Adriano (kung saan may anak si Jolo).

Matapos ang kanilang paghihiwalay, biglang lumabas ang balitang si Ronald Singson, anak ni Luis “Chavit” Singson, ang bagong dine-date ni Lovi. Although, deny pa rin nang deny ang gaga and says na ardent suitor lang niya ang lalaki. Nakakulong pa rin sa Hong Kong si Congressman Singson, na minsan na ring dinalaw at sinamahan ni Lovi sa unang hearing ng kaso nito kaugnay ng illegal drugs.

Isa lang ang malinaw sa magulong lovestory na ito: politics is the color of love para kay Lovi. Pulos pulitiko ang nauugnay sa kanya. Kung sa bagay, si Lovi ay daughter ng namayapang Da King Fernando Poe, Jr. na tumakbo rin sa pagka-presidente ng bansa.

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba, Fernan Sucalit and Parazzi Wires

By MK Caguingin

MK Caguingin

About the Author

has written 41 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.