Political Moves ng LP, Minaliit ng UNA

 

MINALIIT LANG ng United Nationalist Alliance (UNA) ang sinasabing pagpapalakas ng puwersa ng ruling Liberal Party para sa halalan sa darating na 2013 at 2016.

Sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na wala umanong “significant advantage” sa kasalukuyang administrasyon ang pagkakatalaga kay Sec. Mar Roxas sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Maaaring makakuha ng suporta si Roxas mula sa local level kung magiging maganda ang performance nito sa bagong katungkulan, subalit hindi umano madidiktahan kung ano at kung sino ang gusto ng taong-bayan, ani ng senador.

Sinabi pa ni Enrile na inaasahan na umano nila ang naturang hakbang ng administrasyon at hindi rin umano nila ito ikinababahala.

Ang UNA ay koalisyong binuo ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating pangulong Joseph Estrada at PDP-Laban ni Vice President Jejomar Binay na siyang mahigpit na katunggali ni Roxas sa nakaraang 2010 elections.       (PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.