Political leader ni Vice Mayor Egay Erice, patay sa ambush

TINAMBANGAN AT PINAGBABARIL ng “riding in tandem” hanggang sa mapatay ang political leader ni Vice Mayor Egay Erice, samantalang sugatan naman ang isang babae na pangulo ng Parents’ and Teachers’ Association (PTA), matapos tamaan ng ligaw na bala sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang si Sammy Delana, 38, may asawa, residente ng Phase 8, Package 14, Ba-rangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng bala ng cal. 45 sa mukha at tatlo sa dibdib.

Ginagamot naman sa Tala Hospital si Nilda Diokno, 42, presidente ng PTA ng Sto. Niño Elementary School, matapos tamaan ng ligaw na bala sa kanang kamay.

Sa impormasyong nakalap ng Pinoy Parazzi, bandang alas-10 ng umaga sakay ng multi-cab ng Vice Mayor’s Office si Delana, nang bumaba ito sa kahabaan ng  Phase 5, Package 14, Barangay 176, Caloocan City.

Ilang minuto ang lumipas, biglang dumating ang dalawang suspek na sakay ng single motorcycle at pinagbabaril ng isa sa mga suspek. Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang kanilang pakay. Kinondena naman ni Vice Mayor Erice ang pamamaslang sa kanyang tauhan. Aniya, malinaw na political motivated ang motibo ng pamamaslang kay Delana.

Nabatid na si Delana ang mahusay na lider ni Erice sa unang distrito sa Caloocan City. (ROMAN MAGPOC/ MARY H. SAPICO)    

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.