Political Dynasty, Nais Ipatigil ni Comelec Chairman Brillantes

ISINUSULONG NI Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes ang pagtitigil sa political dynasty sa bansa.

Kung mabibigo ang dalawang Kongreso na ipasa ang panukalang batas na magbabawal sa mga political clan na tumakbo, nais niyang personal na magsulong nito.

Binanggit din ni Brillantes sa hearing ng Senate committee on electoral reforms, na malamang gawin niya itong sariling adbokasiya sa oras na magretiro siya sa 2015.

Ayon pa kay Chairman Brillantes, dapat daw na may absolute prohibition na hindi maaaring lumahok sa eleksyon ang isang kandidato na may kamag-anak sa pulitika hangga’t hindi ito nagreretiro.

Dahil matagal nang nakabibin ang anti-dynasty bill, aminado si Brillantes na malabong maipasa ito dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ito umuusad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.