Police visibility para sa Balik-Eskuwela 2011

BILANG PAGTIYAK SA kaligtasan ng mga estudyante sa muling pagbubukas ng klase sa susunod na buwan, pinadadagdagan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang bilang ng mga pulis na itatalaga sa paligid ng mga paaralan sa ilalim na rin ng programang “Balik-Eskuwela 2011” ng Department of Education (DepEd).

Sa regular na pagtitipon sa pagitan ng alkalde, mga opisyal ng city hall at ni Navotas City Police chief Senior Supt. Floreindo Quebuyen, sinabi ng alkalde na bago pa man magsimula ang klase sa Hunyo ay planado na ang security measures sa paligid ng mga eskuwelahan at iba pang matataong lugar sa siyudad.

Layon ng hakbang na maitaboy ang mga kriminal na elemento na may planong mambiktima sa mga estudyante.

Sa kasalukuyan, mayroong 202 miyembro ang Navotas City Police, pito rito ay mga non-uniformed personnel.

Kaugnay nito, inatasan din ni Tiangco si Quebuyen na paigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga na kadalasang tinatarget ay mga kabataan.

Nais ng alkalde na gawing zero-vices ang lungsod na aniya ay siya ring adhikain ng kanyang kapatid na si dating mayor at ngayon ay Congressman Toby Tiangco.

“We want our taxpayers to feel that they are paying good money to the city in the form of excellent service that we can give them. We have to see to it that action is being taken on their complaints,” pagbibigay diin ng alkalde.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.