Police Trainee, Tigok sa Heat Stroke

PATAY ANG isang police trainee matapos ma-heat stroke habang nagsasagawa ng kanilang athletic exercise sa Police Regional Training School (RTS 2) sa Minante I, Cauayan City.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Lorish Conag, 28 anyos, residente ng Piat, Cagayan.

Pasado ala-1:00 ng hapon kamakailan habang nagsasanay ang mga police trainee sa RTS 2 nang biglang bumagsak si Conag.

Dinala ang biktima sa isang pribadong pagamutan sa Cauayan City subalit namatay matapos ang ilang oras.

Lumalabas na heat stroke ang sanhi ng pagkamatay ng police trainee dahil matindi ang sikat ng araw nang sila ay magsagawa ng athletic exercise.

Gayunman, isasailalim sa otopsiya ang bangkay ni Conag para malaman ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.