Police Station, inararo 5 pisak sa truck; 1 bata, napugutan ng ulo

PUGOT ANG ulo ng isang batang lalaki habang napaulat ang pagkamatay ng apat na iba pa matapos araruhin ng isang 10-wheeler truck na kargado ng graba ang substation ng Taytay Police sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang naturang dumptruck na galing ng Cabrera Road pababa ng Tikling sa Rizal.

Sinabi ni Taytay Police Chief Supt. Arthur Masungsong, alas-11:40 ng umaga nang maganap ang insidente at sa kasamaang palad ay tinamaan ang police fence, kung saan nakapuwesto ang police assistance desk.

Sinasabing ang isa sa lalaking paslit ay nasugatan ang mukha habang sugatan si PO1 Ron Miranda.

Kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawi na pawang mga sibilyan.

Bandang ala-1 ng hapon kahapon, hindi pa nahuhugot mula sa rumagasang truck ang driver nito.    (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.