Police official na pala-absent, iniaangal ng mga kasamahan

ISANG POLICE OFFICIAL ang inirereklamo ng kanyang mga kabaro dahil sa madalas nitong pag-absent sa kanyang opisina, gayu’ng sensetibong posisyon ang kanyang hinahawakan.

Sa hinaing ng mga pulis na ayaw ipabanggit ang pa-ngalan, mas marami pa ang pagliban kaysa sa pagpasok sa opisina ni P/Chief Inspector Rene De Jesus, hepe ng Warrant and Subpoena Section at Follow-up Division ng Navotas Police Station.

Anila, kahit pa may mga mabibigat na kaso na kaila-ngang i-follow-up, lumiliban sa trabaho si De Jesus.

“Nagiging tamad tuloy ang kanyang (De Jesus) mga tauhan kasi nga tamad ‘yung hepe, eh. Dapat diyan inililipat ng ibang puwesto,” anang mga pulis.

Si De Jesus ay dating Deputy Chief of Police for Operation ni P/Sr. Supt. Florendo Quebuyen.

Hindi rin umano nagpapapasok si De Jesus at hinahayaan lamang na ang kanyang hepe ang magtrabaho sa kanyang puwesto.

Nagpasya si Quebuyen na ilipat noong nakaraang linggo sa WSS at Follow-Up si De Jesus at pinalitan nito si SPO2 Herminio Lopez.

“Mabuti pa ‘yung dating hepe, masipag sa trabaho. Pero si De Jesus, hindi pumapasok, pero sumusuweldo,” dagdag pa ng mga pulis.

Kaugnay nito, nananawagan ang mga kasamahan ni De Jesus kina Mayor John Rey Tiangco at NPD director P/ Chief Supt. Antonio Decano na alisin na sa Navotas Police Station si De Jesus.  (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.