Police Official, Kulong sa Pambubugbog

DINAKIP ANG isang opisyal na pulis matapos bugbugin habang hawak ang baril ang isang binatang pinagbintangan ng una na nambato sa kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang dinakip na si Senior Insp. Jun Fortunato, 37, nakatalaga sa Talipapa Police Station ng Quezon City at residente ng Joshua St., North Olympus, Caloocan City .

Bugbog naman ang inabot ni Francisco Lagahit, 18, ng Manggahan, Pasig City.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi, nasa loob ng bahay ang pulis nang may mambato sa kanilang bubong.

Dala ang baril, lu-mabas ng bahay ang pulis at nang makita ang biktima ay lalapitan.

Natakot ang biktima na nagtatakbo na hi-nabol ng pulis at nang maabutan ay pinagbubugbog.

Matapos ang insidente ay iniwan na ng pulis ang biktima na nagpunta sa presinto at nagsumbong na naging dahilan upang puntuhan ang pulis na sumama naman sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.