Police Justice Group?

0918293xxxx – Sir Raffy, itatanong ko lang po kung ligal ba ang grupo na kung tawagin ay “Police Justice Group” na pinangunguna-han daw ng isang General Rodolfo Vejano? Humihingi sila ng tatlong libong piso para raw kontribusyon sa scholarship ng mga anak ng mga traffic enforcers. Bilang kapalit, nagbibigay sila ng ID at MMDA sticker na mag-e-exempt sa coding. Maraming salamat po.

0919522xxxx – Idol Raffy, sana po ay matuldukan ninyo ang mga kawalang-hiyaan ng mga pulis diyan sa presinto 9 ng Makati. Ang modus po nila ay isini-set up iyong mga foreigner ng mga planted na ebidensiya tulad ng drugs. Tapos ay tatakutin at peperahan ang dayuhan. Madalas po itong mangyari sa may Burgos at Polaris Street. Mara-ming salamat po.

0933267xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po ang mga pulis sa Valenzuela City Jail dahil naniningil sila ng P200 sa mga dadalaw sa mga preso. Iyong mayor nila ang kolektor ng pera.

0939379xxxx – Magandang araw po, isa akong concerned citizen, isusumbong ko lang ang tungkol sa dalawang traffic enforcer na madalas mangotong dito sa kanto ng Visayas Avenue. Nakasulat ang pangalang Jayme sa nameplate ng isa sa mga enforcers. Salamat po.

0918718xxxx – Mr. Tulfo, pakibigyang aksyon naman iyong mga pulis sa Imus lalo na iyong nasa Station 1 kapag nag-check point. Isa o dalawa lang ang nakauniporme at iyong iba ay mga nakasibilyan na. Hinahanapan nila ng butas ang mga hinaharang nila lalo na kapag lalaki pero kung magandang babae ay cellphone number lang ay okay na sa kanila. Salamat po. – Concerned citizen ng Imus, Cavite

0906536xxxx – Sir, isa akong concerned citizen at gusto ko pong ipakalampag ang mga kinauukulan sa PNP Regional Command 9 (Recom 9) sa Mercedes, Zamboanga City upang magkaroon sila ng police visibility sa may intersection ng Zambowood. Marami na kasi ang binabaril doon at takot na takot na iyong mga tao. Salamat po at more power sa inyong programa.

0920897xxxx – Itatanong lang po kung ano ang maaari naming gawin dahil iyong bayaw ko na nakakulong sa Muntinlupa ay nakakulong pa rin ngayon kahit lagpas na sa sentensiya niya na sampung taon. Hanggang ngayon ay hindi pa po siya nakakalaya, sana po ay mapayuhan ninyo kami sa dapat naming gawin. Maraming salamat po.

0908767xxxx – Sir Raffy, ano po ba ang dapat naming gawin sa mga antay vendors na ito na kapag hindi kami nagbigay ay hinuhuli kami. Dito po ito sa Las Piñas. Malakas manghingi sa gabi itong mga tao ng isang major. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

0999317xxxx – Sir, irereklamo ko lang po itong mga pulis sa Mary Homes Subdivision sa Molino 4, Bacoor, Cavite dahil sa madalas nilang pangongotong sa mga motorista. May mga sibilyan silang tagaharang ng motor. Pakibatikos naman po ang garapalan nilang gawain. Salamat po.

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2-4 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41, Channel 7 sa Destiny Cable, Channel 1 sa Cignal at Channel 29 naman sa Cebu at Davao.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.