Police escort sa sugatang NPA sa Davao, nawawala

DAVAO CITY – HINDI pa rin natatagpuan ang pulis na kabilang sa koponan ng PNP na nagsilbing escort ng sugatang New People’s Army (NPA) kumander sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao.

Dahil dito, itinuturing na absent without official leave (AWOL) si PO3 Reno Casas, na hindi pa nakabalik sa kanyang mga kasamahan sa Mati PNP sa Davao Oriental.

Nagsilbing escort si Casas at bantay ng isang Ariel Manuray, isang NPA kumander na nasugatan nang makasagupa ang isang PO3 Alfredo Salva, guwardiya ng Mati Terminal, ng Mati, Davao Oriental na pinaputukan ng mga rebelde at inagawan ng armas.

Nagpaalam si Casas na uuwi muna sa kanilang lugar sa Bolton Riverside sa lungsod ng Davao subalit kinabukasan ay hindi na ito nakapag-report sa trabaho bilang bantay ng rebeldeng pasyente ng SPMC mula pa nitong Hunyo 13 at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatagpuan, ayon sa pahayag ni Police S/Supt. Pepito Masion.

Nakipag-ugnayan na sila sa mga kamag-anak ng naturang pulis, ani pa ni Masion.

Ikinukonsidera naman ng kanyang mga kasamahan na maaaring dinukot ito ng grupo ni Manuray. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.