Police desk para sa LGBT, inihain

NAGHAIN NA ng panukala si Laguna Rep. Sol Aragones na magbubukas ng desk sa bawat himpilan ng pulisya para sa mga lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) na biktima ng sexually-oriented crimes o mga kaso ng matinding galit at pagkasuklam sa mga ito.

Ayon sa mga lumalabas na ulat, karamihan sa mga nagiging biktima ng krimeng-sekswal ay kabilang sa LGBT.

Samantala, layunin ng nasabing panukala na susugan ang RA 8551 (Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998), sa pagtatatag ng police desk para sa mga kaso na may kinalaman sa krimen laban sa LGBT.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.