Police Commanders nakakalat sa eskuwelahan

HINDI LANG mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nakakalat sa mga ekuwelahan at istratehikong lugar ngayong araw na ito, kundi mismong mga kumander ng bawat police station  o  presinto.

Ito ang nilinaw kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. Geronimo Cerbo sa Pinoy Parazzi, at ito aniya ang mahigpit na direktiba ni PNP Chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome.

“Bahagi ito ng security measure ng PNP para sa pagbabalik-eskuwela at nais ni Gen. Bartolome na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral,” ayon pa kay Cerbo.

Dagdag pa ni Cerbo, nais din ng PNP Chief na personal na i-supervise ng mga police commanders ang pagbibigay sa seguridad sa mga eskuwelahan at mga lugar kung saan daraan ang mga mag-aaral.

Ang direktiba ay ipatutupad sa buong bansa habang nilinaw ni Cerbo na nasa full alert ang puwersa ng PNP sa Mindanao at heightened alert naman ang natitirang bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila para sa balik-eskuwela ngayong araw.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.