Police Colonel, Inambus sa Loob ng Munti

PATAY ANG isang police colonel matapos na paulanan ng bala sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa.

Ito ang kinumpirma ni Muntinlupa Police Chief Col. Roque Vega.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, papalabas ng garahe si Police Col. Francisco Abunales sa NBP Reservation, Vicar Village nang tambangan dakong alas-8:00 ng umaga.

Naitakbo pa sa Medical Center Muntinlupa ang nasabing biktima ngunit binawian din ng buhay, alas-9:30 ng umaga.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.