Police Chief, Pinagpapaliwanag Jueteng atbp. Iligal sa Caloocan, lumalala

PINAGPAPALIWANAG NI NORTHERN Police District (NPD) Director Gen. Edgardo Ladao si Caloocan City Chief of Police Sr. Supt. Jude Wilson Santos hinggil umano sa lumalalang operasyon ng Jueteng sa nabanggit na lungsod na hindi masugpu-sugpo.

Nabatid, tumanggap ng isang liham ang President Action Center (PAC) na nasa ilalim ng Office of the President mula sa mga residente ng Barangay 59, Bayanihan St., Baesa, Caloocan City.

Ang nasabing liham ay natanggap ng PAC noong nakalipas na Pebrero 8, 2011 na siya namang ipinadala sa tanggapan ni PNP Chief director Gen. Raul Bacalzo.

Nakalagay sa liham ang pagiging “untouchable” ni PO1 Alden B. Dominguez na nakatalaga sa PCP 16, Sub-Station 4 ng nabanggit na himpilan ng pulisya bilang isang Jueteng lord.

Nakasaad pa sa liham, ang pagtuligsa umano kay Gen Bacalzo hinggil sa “one-strike policy” nito na walang saysay at ningas-kugon lamang.

Bukod kay Dominguez, malayang nakakapag-o-operate din ng  Jueteng sina ME at RR na mga malalapit kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, isang Sherwin at isang Boy Edmond.

Ang mga nabanggit na Jueteng lords ay nagpapadala umano ng lingguhang tarya sa tanggapan ng Station Imbestigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Caloocan PNP.

Kaugnay nito, hinihingan umano ng paliwanag ni Ladao si Santos kung bakit hindi mapahinto ang mga nasabing iligal na sugal sa kanyang nasasakupan.

Ayon sa mga residente ng lungsod, kaya hindi umano masugpu-sugpo ang paglaganap ng kriminalidad, sugalan, prostitusyon, mga beer house na nagpapalabas ng bold shows at torohan ay dahil umano namamantikahan ang kanilang nguso. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.