Police Chief ng Zambo, Hawak ng MNLF

HINOSTAGE NG mga kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) Misuari faction si Zamboanga OIC Chief of Police Sr. Supt. Chiquito Malayo, Martes ng umaga.

Ito ang kinumpirma ni Sr. Supt. Edwin De Ocampo, PNP-Region 9 Logistics officer.

Sinasabing binihag si Malayo sa bahagi ng Areno Blanco sa Barangay Mampang, Zamboanga City.

Samantala, isinakay umano sa isang pumpboat ang nasabing opisyal at hinihinalang dinala sa Tictabon Island.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.