Police brutality at collectors sa NPD

MASAMA NGA AT nararapat lamang sugpuin ng mga pulis ang mga iligal na gawain na siyang bumibiktima sa mga kawawang si-bilyan.

Pero gaya ng paulit-ulit na sinasabi natin, hindi kinakailangang gumamit ng police brutality para lang maipatupad ang batas. Dahil mismong ang police brutality ay labag sa batas.

Ngayon, apat na pulis-Maynila na naman ang nanganganib masibak at makulong dahil sa police brutality.

Ang mga bagitong pulis na may ranggong P01 na sina Lester Caguintuan, Christopher Duran, Richard Closa at Andrei Nuñez ang iniulat na nang-tortyur kina Gerry Diaz at Rommel Perez noong nakaraang linggo. Mariin nating kinukundena, parekoy, ang masamang gawain ng dalawang “Sputnik” na ito.

Dahil tiyak na marami na silang nabiktima at bibiktimahin pa!

Pero ang dapat na ginawa sa kanila ay sinampahan ng kaso at hayaan na ang batas ang magparusa sa kanila!

Sa ginawa nitong apat na bugok na pulis ay mababanaag natin kung anong mentalidad meron ang ilan nating kapulisan.

Na ang akala ay ang pulis ang batas.Kailangan sigurong ikintal, parekoy, sa mga training ng bawat pulis na hindi sila ang batas, kundi tagapagpatupad lamang ng batas.

Kung saan, sila ang dapat na unang sumunod sa batas!

 

NO PANSIN KAY NPD Director, C/Supt. Antonio Decano ang ginagawang pangungulekta ng kanyang pulis sa mga iligalista sa  Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela na kinilalang si P03 Jojo Cruz na nagre-remit naman umano sa isang Major Lleva.

Kaugnay nito, isang “Elmer” na may paihi sa Navotas ang nagyayabang na hindi kayang galawin ng kahit sino ang kanyang iligal dahil tuwing martes ay nagbibigay raw siya ng sampung libo kay Cruz!

Ewan lang kung inire-report din ni P03 Cruz ang nakukuha niya mula sa Jueteng ni Ed Pineda sa Valenzuela. Ipina-ngangalandakan din kasi nitong si Ed Pineda na “Gatchalian” ang nasa likod ng kanyang operasyon.

Siyanga pala, parekoy, sumasabay na rin ang CIDG sa pangungulekta mula sa mga iligalista sa Camanava.Ang nakukulekta ni Alvin ay ipinadadaan naman kay Arnel Cruz.

Dapat sigurong mabusisi rin ito ni Gen. Sammy Pagdilao Jr.

 

Makinig sa aking programang “ALARMA Kinse Trenta”, Lunes-Biyernes, 6-7 am, sa DZME 1530 kHz, at may “live stream” sa www.dzme1530.com. E-mail: junbriones69@yahoo.com; call or text 09321688734.

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.