Police attaché sa Colombia, isusulong ng PNP

ISINUSULONG NI Director General Alan LM Purisima, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang pagtatalaga ng police attaché sa Colombia upang mapalakas ang kakayahan ng PNP na masugpo ang mga transnational crime, kabilang na ang iligal na droga.

Sinabi ni Purisima ang kanyang panukala sa kanyang pakikipagpulong sa hepe ng pulisya sa Colombia na si Director General Rodolfo Palomino sa 82nd Interpol General Assembly nitong nakaraang linggo.

Ang Interpol ay ang pinakamalaking police organization sa buong mundo na may 190 bansa na kasapi na nagtutulungan upang sugpuin ang mga transnational crime.

“I opened the possibility of the establishment of a Police Attache office in Colombia considering the vulnerability of transnational crime threats that might hamper the economic, socio-political security of both countries,” ani Purisima.

Samantala, ang Colombia ay kilala bilang isa sa mga pinakamalaking pinanggagalingan ng illegal drugs sa buong mundo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.