Pokwang, umaasang magpapakasal na sila ni Lee O’Brian ngayong taon

Pokwang, umaasang magpapakasal na sila ni Lee O'Brian ngayong taonInamin ni Pokwang na masaya siyang nakatrabaho si Melai Cantiveros sa “We Will Survive”. Marami raw kasi siyang natututunan dito.

“Kahit na mas nakatatanda ako sa kanya, pero may napupulot din ako sa kanyang inspirasyon. Tulad nu’ng pagdating sa lovelife, kasi sa kanya parang…’ saan mo nakukuha ‘yang mga sinasabi mong ‘yan?’

“Maniwala ka’t sa hindi, sa loob pa lang ng PBB biniboto ko ‘yang si Melai, kami ng mga yaya ko sa bahay. Very inspiring din kasi ang buhay ni Melai.”

Dagdag pa niya, masaya rin siyang natupad ni Melai ang mga pangarap nito sa buhay.

“Alam n’yo, ‘pag nangangarap ang isang tao, huwag nating pipigilan. Wala tayong karapatang pigilan ang gusto nila sa buhay,” sambit pa niya.

Samantala, kung hindi raw mabubulilyaso, baka this year na sila magpakasal ng boyfriend na si Lee O’Brian.

“Hopefully this year. Pero wala pang proposal. Darating at darating  naman ‘yon, eh. Pero ‘yung baby, wala pa muna, trabaho muna tayo at saka paano rin ‘yung mga katrabaho ko if ever na mabuntis ako, ‘di ba? Kawawa naman sila,” she said.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.