Pokwang, the next Ai-Ai?!

MULING NABUBUHAY ang pagkukumpara kina Ai-Ai delas Alas at Pokwang dahil nga pareho silang may bagong movie project. Katambal ni Vic Sotto si Ai-Ai sa Enteng ng Ina Mo na entry sa MMFF at si Pokwang naman eh, bida sa opening salvo ng Star Cinema at The Filipino Channel (TFC) sa taong 2012, ang A Mother’s Story. Ngayon nga ay may mga bulung-bulungan na si Pokwang na raw ang next Ai-Ai delas Alas. Nilinaw naman ng komedyana na wala silang rivalry ng comedy concert queen at sinabing hayaan na lang ang mga tao na humusga dahil mahirap daw kung manggagaling sa kanya. Kung saan man daw naroon ngayon si Ai Ai,  ‘yung mga taong nagtiwala at nagmahal sa kanya ang naglagay sa kanya sa posisyon niya ngayon, sabi pa ni Pokwang. Kayo, mga kaparazzi, may ‘K’ na bang tawagin si Pokwang na next Ai-Ai delas Alas?

Photos by Luz Candaba, Fernan Sucalit & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Pokwang, the next Ai-Ai?!

  1. oo nga, hetong pokwang naito sobrang yumabang anong third, kulelat…. dahil sobrang taas kung magsalita, akala niya kapantay na niya si Aiai, naku pwede ba, last ka na lang dahil sa sama ng ugali mo, kala mo naman ang galing umarte, eh super trying hard lang si Pokwang.

  2. Wag magilusyon. Pokwang will JuST be a poor third. Second to the throne is Eugene Domingo. Over acting kaya itong c pokwang aswang ( magkatunog ah) masyado lang nmn cyang trying hard. Kung anik2 ang pinag agagawa ang corny as in super. I’m very sure she can never be an AiAi. Dahil cya c pokwang asuwang hahahahhahahhaha.

Leave a Reply

Your email address will not be published.