Pokwang resolves flag issue

Read Cristy Fermin’s blind item here: Blind Item: Actor-TV host, kasuka-suka ang mabantot na hininga!

NAKIPAGKITA NA SI Pokwang kay Chairman Consoliza Laguardia ng MTRCB. Personal na siyang humingi ng paumanhin sa tagapamuno ng MTRCB sa isang honest mistake na nagawa niya sa Wowowee nu’ng nakaraang Independence Day.

Tinanggap naman ni Chairman Laguardia ang kanyang apology, ang sinabi lang sa kanya nito, “When in doubt, ask.” Puring-puri ng komedyana ang chairman ng MTRCB sa makataong pagtanggap ng opisina nito sa kanya. Napakahinahon daw magsalita ni Chairman Laguardia, sinasaluduhan niya ito.

“Pero mali nga ang nagawa ko, hindi ko naman tinatalikuran ang responsibility ko sa mga televiewers, lalong ayokong maghugas-kamay sa nangyari. Pinaninindigan ko ang honest mistake na ‘yun,” kuwento ni Pokwang.

‘Yun naman ang kapuri-puri sa taong ito. Kapag nasa tama siya, todo ang kanyang pakikipaglaban. Pero sa mga pagkakataong meron siyang kakulangan, inaamin niya ‘yun.

Kaya hindi lang masarap panoorin ang pagpapatawa ni Pokwang, masarap din siyang mahalin, dahil totoong-totoo siya.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.