Pokwang, pinasisibak sa Wowowee?!

Totoo nga ba ang tsikang pinatatangal si Pokwang ng isang maimpluwensiyang tao sa Wowowee?

Ang kumakalat na tsismis, gustong ipasibak ng influential person na ito si Pokwang dahil sinuportahan nito ang kapatid ni Kris Aquino noong nakaraang eleksiyon. Ayun, gigil na gigil na raw kay Pokie ang naturang tao na patalsikin ang komedyante sa noontime show.

Kung true ito, kawawa naman si Pokwang. Nang dahil lamang sa kanyang pagsuporta sa isang kandidato ay matatanggal siya. Unfair naman ito sa kanya. Parang wala na palang freedom ang isang talent ng Dos na mamili ng kanyang kandidato. Iyan ay kung totoo ngang candidate for tsuginess ang beauty ng comedienne.

At kung totoo nga ito, masasabi nating nakikinig pala ang management ng Dos sa mga bulong. Nadadala pala ito sa isang “rekomendasyon” ng isang maimpluwensiyang tao.

Tiyak na aani ng batikos ang taong nagpapatanggal kay Pokwang. Mabait naman kasi na tao ang komedyante at isa pa, wala naman siyang malaking foul na ginawa sa show.

Marami ang umaasa sa kinikita ni Pokwang kaya nakatitiyak kami na lubhang maaapektuhan ang komedyante once na natsugi siya sa show.

HINDI RAW NAMAMANSIN ng kaibigan ng kanyang ina itong si Jennica Garcia kapag nakita niya ito sa mga gimikan o anumang venue.

Ang tsika sa amin, deadma as in deadma raw ang anak ni Jean Garcia kapag sa labas na ng bahay niya nakikita ang kaibigan ng kanyang mama. Parang wala raw itong nakikita.

Pero kapag kasama ang ina, nagpapakitang-tao raw ang dalaga at binebeso ang friend ng kanyang mother dear. Ganoon daw kaplastik ang dalagang ito na medyo tahimik ang career ngayon.

At kapag ganoon daw ang attitude nito, dinideadma rin siya ng kaibigan ng kanyang ina. Talagang pinapatulan daw ang kanyang kagagahan. Ha! Ha! Ha!

True ba itetch, Jennica?

GUSTO NA NI Angel Locsin na matapos ang gulo sa pagitan ng grupo niyang Ampalaya Anonymous at Pauleen Luna kaya naman nag-tweet siya sa junior host ng Eat Bulaga.

“Hi @marieluna sorry kung dito na kita kinausap sa twitter, para lang matapos na yung issue.. Ano ba yung mga parinig na sinasabi? Bakit naman kasi may ganung issue? pauline, gusto lang namin ayusin to,” sabi ni angel sa kanyang tweet noong May 9.

Muli, nag-tweet ang dalaga kay Pauleen.

“Ya, nagusap na tayo sa bbm, kaya nga eh, san kaya nanggaling yung issue? di lang kasi na explain at na clarify ng maayos yung “parinig at pangbubully” issue eh. And di ko gets bakit iisipin ng iba na pinariringgan ka. Don’t get me wrong ha? We’re not asking you to clear anyones name. Respeto. Pero ma aappreciate namin kung masasabi mo na di talaga totoo yung issue or ma explain mo ng mabuti yung side mo, ayusin natin ‘to!”

Sumagot naman si Pauleen sa message ni Angel sa kanya.

“Hi Gel! It never came from me na may pinaparinig kayo. You know the real reason and my side :)” the Eat Bulaga co-host tweeted.”

May issue sa Ampalaya Anonymous na kinabibilangan nina Maxene Magalona, Rich Asuncion, Bianca King, Glaize de Castro, Cristine Reyes at Angel. Pinariringgan daw kasi nila si Pauleen sa twitter.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleShaina Magdayao at John Lloyd Cruz, huling madalas mag-date!
Next articleTinotoo raw ang fight scene: Dennis Trillo, nagseselos sa ka-love triangle nila ni Jennlyn Mercado?

No posts to display