Pokwang, pinagtripan si Raymond Gutierrez

KUNG HINDI KAMI nagkakamali, e, isang taon na ang nakalipas since we have written an item in this same column tungkol sa diumano’y reklamo ng isang menor de edad na babae laban sa pangmo-molestiya sa kanya ni Patrick de la Rosa, na kasulukuyang nakakulong sa Station 7 ng Kyusi sa kasong rape.

With that particular item, unsolicited reactions popped out na ‘yung iba, e, hindi makapaniwalang gagawin ‘yon ni Patrick. ‘Yung iba naman, e, nagsasabing tsismis lang daw ‘yun at hindi totoo.

Up to now, e, nagkakapalitan pa rin kami ng text messages ng menor de edad na girlet na nagsumbong sa amin nu’n tungkol sa diumano’y sexual harassment na ginawa sa kanya ni Patrick.

Dahil bata nga, hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob noon na idemanda ng child molestation at sexual abuse ang actor. Pero ngayon, ang sabi niya, e, inabot na raw ng karma ang gumawa sa kanya nu’n.

Sabi pa niya, ang nangyayari raw siguro sa buhay ngayon ng provincial board member, e, isang kalabit na nanggagaling sa Itaas para matigil na raw ito sa walang awang panloloko at pagpapaasa sa mga babae, regardless of their age.

At dahil na rin sa naisulat namin noon, we feel vindicated dahil ang nangyaring rape case ngayon ni Patrick somehow affirmed our expose noon, kung saan nakakuha pa kami ng threat galing mismo sa aktor, na kung sakaling hindi siya manalo bilang board member dahil sa aming naisulat, e, babalikan niya raw kami. At dahil nga nanalo siya sa pulitika, ayun, hindi na niya kami binalikan gaya nang banta niya sa amin.

As of press time, ang balita namin, e, ibinebenta raw niya ngayon ang kanyang condo unit sa Pioneer Highlands dahil ino-offer-an daw niya ng P2M pesoses ang kanyang rape victim para hindi na ituloy ang kaso at makalabas na siya sa selda.

Kung true man ito, ewan lang namin kung papayag ang rape victim lalo na’t ang magaling na abogadong si Atty. Villamor ang humahawak sa kaso nito ngayon.

Pero kung ang hindi mabilang na mga babaeng nabiktima noon ni Patrick ang tatanungin, sigurado, hindi papayag ang mga ‘yon… Pwamis!

DUMALE NA NAMAN si Pokwang sa kanyang second night ng The Endangered Species concert sa Aliw Theater nang in-impersonate niya si Tita Anabelle Rama.

Habang ini-impersonate niya si Tita Anabelle ay tinanong siya ni Chokoleit kung sino ang girlfriend ngayon ni Richard Gutierrez.

Ang sagot niya: “Naku, Dong, maraming magagandang tsiks ang humahabol sa kanya, Dong, pero wala pa siyang girlfriend!”

E, sino naman po ang girlfriend ngayon ni Raymond Gutierrez?

“Naku, Dong, magaganda ang mga collections ng blazers ni Raymond, Dong!”

Malayo ang sagot kaya alam n’yo na kung ano ang ibig sabihin nu’n, ‘di ba?

Nang umalis si Pokwang, nagpahabol ng one-liner si Chokoleit.

“Siguro, hindi nagagalaw ni Tito Eddie si Tita Anabelle kaya laging mainit ang ulo,” tsaka nagtawanan na naman ang mga audience.

Hmmm… just wondering. Hindi kaya mapikon na naman ang tunay na Tita Anabelle sa ginawang paglalaro ng dalawang komedyante sa kanilang character lalo na kay Raymond?

Pero question lang. Puwede kayang itanong sa tunay na Tita Anabelle ang tanong ni Chokoleit tungkol kay Raymond?

MALAKAS ANG TIWALA ng mga taga-Star Cinema na kahit kontrobersiyal at pinag-uusapan ngayon ang walk-out scene ni Gerald Anderson kay Kim Chiu sa press conference ng pelikulang ‘Till My Heartaches End ay titiba pa rin ito sa takilya.

Yap! Kahit na may banta ang mga Kimerald fans na ibo-boycot nila ang naturang movie.

Why? Dahil sabi ng mga insiders, e, may kilig pa rin daw ang Kimerald loveteam kahit na masyado itong fatally controversial dahil kung hindi, e, hindi raw magwawala nang ganito ang mga fans.

Marami pa rin daw ang sumusuporta sa loveteam ng dalawa and with this reason alone, e, siguradong makaka-jackpot daw ito sa box-office.

Kapag nagdilang-anghel ang nakausap naming insider, sigurado, tuloy na ang Gerald and Bea Alonzo real life tandem dahil it only means na tanggap ng fans na for reel na lang ang Kimerald love team.

Pero paano kapag hindi? Knock on wood…

For reactions, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Related Post

loading...

22 thoughts on “Pokwang, pinagtripan si Raymond Gutierrez

  1. As numerous individuals pointed out, romanticism was never one of Bakuman’s solid points. Gratefully the romance is kept to a minimum and Moshiro and Azuki’s relationship is a source of motivation for them to follow, although I consider it is likewise a source of interference.

  2. hahahayz..tlga bang sure kau? Naku nman, gnyan tlga mga filipno, mkta lang na mlinis yung tao at hndi mxadong lalake kung kumlos, bakla n agad..oh bka nman kya kyo prang sure e nging anu na kyo nya..

  3. Bakla naman talaga si Raymond
    at siya pa ang namimili g isusuot ni Ruffing
    at Anabil. Bakit hindi iyan talajayin sa SC once and for all

  4. badingsimodzotto, di ko alam kung saan ka nagmula pero kahit ang anak kong lalaki na hindi naman niya kilala si raymond ay inakala siyang bading nung mapanood siya sa tfc.

  5. super baboy namang bading si raymond kc mahilig mamick-up ng mga callboy sa ortigas area…tapos super barat at hindi marunong magbayad ng tama matapos babuyin ang kawawang bagets!

  6. tigilan na ninyo si raymond dahil matino yong tao at may lalim kong mag interview at alam niya yong work niya,gusto ninyo kasi pag bakla yong screaming faggot!
    yong aaliwin kau na mababaw ang kaligayahan.

    • Bakit hindi na lang nya ilabas kagaya ni BB Gandanghari? Sabagay, baka magalit si Mommy Annabel? Wala namang masama sa bakla, mas mahirap kong tago ng tago, mahirap sa kalooban yan na may tinatago sya. Mahirap, at least kong ilabas nya, malalaman nya talaga kong sino yong mga totoong mga kaibigan nya.

      • Kasi Mariang Ignorante–di lahat ng bading gustong sumuot Babae, kumorteng Babae, galaw Babae. Getz? Mag research ka muna jan Neng bago ka magsalang ng opinyon mo.

      • Bagyong Juan, I did not mean for Raymond to come out na magsuot ng babae, what I mean was he should come out like BB Gandanghari na he will admit that he is gay kasi tingnan mo yong ibang mga gay sa Pinas, they came out na bakla sila pero hindi naman sila nagsuot ng pambabae, ang tinutukoy ko lang ang pag amin na tutoo syang bakla, hindi na lang itago kagaya ni BB Gandanghari, he thought it hard and he came out clean and hindi na nagsinungaling na bakla sya. Yong lang ho. Thanks.

      • Also, one of my sons is bakla rin. Umamin sya sa amin na bakla sya and if you look at him hindi mo talaga sya masabing bakla kasi lalaking lalaki kumilos, ang katawan nya, maskulado at yong dating nya talagang lalaking lalaki and we told him we love him just the same and our love for him never changed maski ano pang sasabihin ng ibang tao. We encouraged him to come out clean sa mga kaibigan nya and he did not listen to us righ away kasi natakot siya na baka mawala ang kanyang mga kaibigan kong malaman nila na bakla sya. Sinabi namin sa kanya kong bakla ka, bakla ka talaga and wala ka nang magagawa doon, sinabi rin namin na God created us individually and kagustuhan niya yan na maging bakla ka and sinabi rin namin sa kanya na it is hard to hide a skeleton in your closet, it is better to be honest and you will also know who your real friends are after you come out in the open. We told him it is not how man friends you have that matters but it is what kind of friends you have that is important. He thought it hard and finally he told his friends na bakla sya and he never lost any of his friends kasi my son is a very nice person, very kind, magalang and he is a very good person. And I am proud to have raised a good son maski bakla sya. So now our friends know that ang anak namin bakla, tangga na nila ang anak namin at pati kami magaan na ang saloobin na walang tinatago. There is nothing wrong with being bakla is what we told our son as long as desente kang tao. My son is finishing up his Bacherlor of Science in Nursing and he will soon join us here in the States.

  7. hindi mo p sinusulat ang artcle mong ito pagnapapanood ko ang news tungkol k patrick dela rosa naiisip ko n 2x n ako nakabasa ng ganito tungkol k raymond. iyong isang natatandaan ko nagreklamo yon babae n binaboy din cy nabale wala kc magaling abogado n patrick mahirap lang yong babae kaya ng mapanood ko cy s news n nakakulong sabe ko s sarili ko talaga palang BAD itong c patrick. dapat lang ngayon pagbayaran n patrick ang ginawa nyang kababuyan s biktima ng wala n cyang mabibiktima uli dapat din lumantad n yon iba pang biktima ny. hindi po ako nag aakusa k patrick nabasa ko lang ito s mga news.

  8. “Naku, Dong, magaganda ang mga collections ng blazers ni Raymond, Dong!”

    “Malayo ang sagot kaya alam n’yo na kung ano ang ibig sabihin nu’n, ‘di ba?”

    joey sarmiento, ano nga ba ibig sabihin non? di ko alam e. sensya na ha, hindi kasi kasing malisyoso mo ang utak ko.

      • OO nga pala ano hindi na kailangan pa kasi ang mga Gutierez they are very aware sa mga trabaho ng kanilang pamilya lalo na si Anabel na tutok sa kanyang mga anak at alaga. Ewan ko ba pero yong pamilya ng mga Gutierez hindi ko type ang mga ugali nila kasi mga arte at they like to be the center of attention and they like people to see them as sila lang ang the best. Opinion ko lang ito ha? Peace. Salamat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.