Pokwang, patuloy na ibinabagsak ng mga mapanirang intriga

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka. Thanks God, it’s Friday! Dahil marami na naman tayong chikka.

Kumustahin naman natin ang aking friend na si Direk Buboy Tan, at iko-congrats ko siya sa lahat ng indie films niya, gaya ng HIV at Tulak. Ngayon naman, meron siyang binabalak na gagawing pelikula at ang talagang nakatutuwa rito ay tungkol ito sa mga bata na nambu-bully. Ang magiging title nito ay Larong Bata na bida si Nash Aguas, at mga kontrabida rito sina Basty at Marc Tanjalangit.

Nakakaloka naman talaga si Direk Buboy, puro pelikula na lang ang inaatupag. Isa pa nga sa ikinatutuwa niya, ang lahat ng pelikula niya ay pinalalabas sa schools at malaking bagay raw sa kanya ang makatulong sa mga estudyante, dahil proud siya na ang mga pelikula niya ay may-aral kayong mapupulot.  Pak!

KUMUSTAHIN  NAMAN  natin ang naging eksena ni Lucy Fermin na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tinatantanan si Pokwang. Ano ba talaga ang gusto niyang palabasin na kahit personal na buhay nitong si Pokwang ay pinapasok niya?

Kung ako kay Lucy Fermin, hindi na nga siya pinapansin ng sinisiraan niya ay manahimik na lang siya, dahil bongga ang pinagkakalat niya ngayon na chikka. Ang kay Pokwang lang naman ay alamin niya muna ang puno’t dulo ng kuwento bago siya mag-comment.

Naku, ganyan naman talaga ang babaeng ‘yan. Hangga’t wala siyang napapalang pagkakakitaan niya ay sisirain niya lalo ang tao, hangga’t may nararamdaman siyang galit… ‘di ba?!

BLIND ITEM: Maloloka ka talaga sa Earth. Kumustahin naman natin itong nakakalokang eksenang chikkahan. Dahil itong bagets hunk actor ay talaga namang nakawiwindang. Hindi raw ito magpapa-gets sa mga matatandang bading. Ang bet lang niya ay mag-booking ng nasa 20 years old lang, ‘di ba?

Nakaloloka basta alamin n’yo kung sino ‘yang bagets na hunk actor na bet lang niyang magpa-booking sa mga bata lang, ayaw niya sa mga thunder birds! Hahaha!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleTV5 Princesses, Todo-React
Next articleDerrick Monasterio, pasok sa kabaklaan!

No posts to display