Pokwang, paraket-raket muna habang ‘di pa nagsisimula ang serye

HABANG HINIHINTAY ang pagsisimula ng taping para sa Mira Bella, ang teleseryeng pagbibidahan ni Julia Barretto, guesting-guesting muna si Mareng Pokwang. Heto nga’t kakikita pa lang namin siya sa My Little Juan.

Kainis nga, dahil pansamantala muna siyang nagpaalam bilang si Lady G sa Toda Max para hindi malito ang mga tao sa character niya sa Mira Bella na hanggang ngayon ay nire-revise pa ang script.

Mabuti na lang at talented ang lola n’yo, kaya raket kung raket muna ang drama niya out-of-town and out-of-the-country.

Sa August 27 naman ay birthday na uli ni Pokwang at I’m sure, mababalitaan na naman namin sa ibang tao na siya’y “nag-charity work” na naman.

Kaya naman suwerte na rin sa buhay si Pokwang, dahil isine-share niya ang blessings sa mga nangangailangan.

Hindi katulad ni… ehem-ehem!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

One thought on “Pokwang, paraket-raket muna habang ‘di pa nagsisimula ang serye

Leave a Reply

Your email address will not be published.