Pokwang, palaban sa TV host na nang-ookray sa kanya!

BLIND ITEM: “’TEH, lalaki raw talaga siya, hindi raw siya bading. Katunayan, meron daw siyang girlfriend ngayon!”

‘Yan ang sey sa amin ng isang kaibigan. Nakasama raw niya sa room ang singer na produkto ng isang search.

“Malamya kung sa malamya kumilos. Pero ‘yun ang projection niya, eh. Ganu’n lang daw talaga siya kumilos. Napagkakamalan lang siyang bading, pero barako raw siya talaga. Nami-miss na nga raw niya ang girlfriend niya, eh. Promise, ‘teh, lalaki raw talaga siya. Hindi siya bading!”

So, siya, ano’ng tingin niya? Hindi nga bakla ang singer na ‘yon? Biglang natawa ang aming kausap. “Ha-ha-ha-ha! Oo nga pala, ‘teh…. lalayo pa ba ko eh, ikaw nga, may asawa at apat na anak! Ha-ha-ha! Tapos siya, me girlfriend?” sey ng aming kausap. Hindi na kami magbibigay ng clue, dahil baka magalit si “senador.”

“KUNG MAKAPAGSALITA ANG potah, akala mo, kung sinong guwapo! Hindi ko rin naman siya type, ‘no?!”

‘Yan ang sey ni Pokwang nu’ng makarating sa kanya na sinabi ng isang TV host na hindi ito nagagandahan kay Pokwang at hindi niya ito type!

“Tumigil siya. Asikasuhin niya muna ‘yung kaso niya, ‘no?!” So, hulaan n’yo na ‘yan kung sino ‘yan, ha?

Sabi nga ni Pokwang, hindi bagay kung sila ang magkakatuluyan, dahil ang sagwang pakinggan: Pokey Mo Loveteam!

Hindi na muna nagbababasa ng mga diyaryo ngayon si Pokwang. “Saka lang ako bumibili ng dyaryo ‘pag tumatawag ang mga kaibigan kong reporter. “Pero ‘yung bibili ako ng diyaryo, tapos, i-stress-in lang ako, wa na. Ba’t ko bubuwisitin ang sarili ko, ‘di ba?”

Aware si Pokie na lately ay mga negative write-ups ang kanyang napapala. “Mare, magtatrabaho na lang ako kesa isipin pa sila. Basta ako, pinaninindigan ko kung ano ‘yung pinaniniwalaan ko!”

Mukhang palaban na si Pokwang, ha? Kung kanino? Hulaan n’yo na lang.

NAKATUTUWA SI KUYA Boy Abunda. Kung tutuusin, kaya niya ang post bilang Tourism secretary habang nanggagalaiti sa insecurity ang mga detractors niya. Pero mas pinili ni Kuya Boy na magturo ng broadcasting sa mga estudyante ng Philippine Women’s University kung saan du’n din niya nakuha ang kanyang masteral degree.

O, ‘di ba? masuwerte ang mga estudyante, dahil based sa experience ang ituturo ni Kuya Boy sa kanila.

Maganda ‘yan, Kuya Boy. Kung saan ka happy, go lang nang go! Less intriga pa ‘yan. And that’s the bottom-line.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

15 thoughts on “Pokwang, palaban sa TV host na nang-ookray sa kanya!

  1. gagoh ka talaga oghie… dehins akesh baklush. tarantado ka… sana hwag mo na akesh ilagay sa blind item moh.

    baklush ka… pagsabihan moh na lang angst mentor mo si cristy ferminute… puro na lang sya paninira… si angel locsin naman ang tinitira nya ngayun, phorke nag iba ng manager.

  2. i think hndi bkla c bugoy.kc my klasmyt ako dti n ka2lad nyang kumilos as in parang bugoy tlga at puro grls dn ang friend,bkla nga ang tawag nmin s knya noon pero ngaun my asawa at anak na

  3. wag pansinin si DJ MO papalit palit ng estasyon? baka sa huli pupulutin ito sa ABS kapag nagsawa ang mga TV5 sa attitude nito?

  4. magkahawig si pokwang at aling dionisia sa pic na ito. kapag nagpabanat ng mukha pala si aling dionisia e si pokwang ang magiging labas.

  5. si dj mo yan. kaya lumipat yan at sumali ki fermin kasi isa ring walang kredibilidad. kaya nga laging nagaaway yan at si ruffa mae kasi laging palpak ang balita.

  6. grabe talaga ang juicy kung manlait, lalo na yan si cristy fermin wala naman credebilidad., akala mo naman lahat ng kanyang sinabi totoo..kaya nga nakasuhan nuon ni bisaya…sabihin ba naman na denial queen at sinungaling si angel locsin..hmp

  7. Ano kayang tingin ni Mo sa sarili niya, gwapo? Sana matangkad siya, at least meron masasabi sa kanya na maganda like tall, dark and never mind. :-)

  8. yong producto ng search – bugoy drilon – baka magalit c “senador”. pero in fairness kay bugoy, give him the benefit of the doubt! hanggang walang inaamin ang tao ay matuto kayong mag respeto sa choice nila! Dont judge, baka lalaki nga naman siya!

  9. mas di hamak na mas maganda si pokwang kaysa sa bagong kakatakot na feyz ni greta retoke na damage na damage na ikumpara ninyo mga pix nila

Leave a Reply

Your email address will not be published.