POKWANG, P18-M NA ANG NAGAGASTOS SA IPINAPATAYONG MANSION!

SINASABI NG IBA, wala na raw career si Pokwang. Kasi nga, sanay ang mga detractors na napapanood siya sa noontime show, tapos nga-yon, wala na. Banana Split na lang ba?

Ano bang problema kung ‘yun lang ang programa ni Pokwang sa ngayon? Eh, hindi yata nalalaman ng iba na gumagawa siya ng pelikula ngayon with Bossing Vic Sotto, Zaijian Jaranilla at Bea Alonzo.

Tapos, isasama pa siya sa isang teleserye. ‘Yun ba ang wala na? ‘Yun ba ang “laos” na?

ITINUR NGA KAMI NI Pokwang sa kanyang ipinapagawang “mansion” sa bandang Antipolo malapit sa tinitirhan niya. Wow! Apat na palapag ‘yon na kung tagurian namin ay glass house dahil puro nga salamin ang dingding.

Juice ko, ‘yun palang house na ‘yon ay so far, nakaka-P18M na siya.

“’Yan ba ang naghihirap, mare?” sabi namin kay Pokwang.

“Oo nga, eh. Juice ko, ang cheap-cheap ko na siguro kung pati passbook ko ay ipapakita ko pa para lang sabihing mali sila. Pero hayaan mo na sila, mare.

“Kung happy sila na gumawa ng kuwento, eh di sige. Basta ang importante, nakakatulog ako sa gabi. Sana, sila rin.”

GANO’N PALA TALAGA pag desperado ka nang wasakin ang iyong kapwa, ‘no? Pag hindi nagtagumpay sa maitim na balak, mas maitim na balak naman ang next in line.

Ngayon, para siyang “the boy who cried wolf.” Wala nang naniniwala sa kanyang mga paninira. Pa’no kasi, gawain na niyang manira noon pa man, so sino pa ba ang masa-shock sa ginagawa niya?

At na-realize namin, hindi pala lahat ng Inglisero ay mata-lino. May mga bobo rin pala. Di ba, dapat, kung ano’ng iniliit mo, siya namang inilaki ng utak mo o ng puso mo?

Mag-iimbento na nga lang ng kuwento, hindi pa kapani-paniwala. Sa talas ng dila mo at sa daldal mo, nakuha mong “ilihim” at ngayon lang ibulgar na may nagbanta pala sa buhay mo?

That’s unbelievable.

‘Di ba, dapat, pina-blotter mo na agad ‘yon para if anything happens to you, alam na ng mga kinauukulan kung sino ang prime suspect?

Ngayon, nagpupuputak ka. Nagsusumbong ka sa publiko para makuha mo ang simpatya nila at paniwalaan ka?

Ayan kasi, gumagawa ng “twists” ng mga kuwento, eh. Panay tuloy ang explain sa public.

SA TWITTER AY sinabi na namin ito at dito ay sasabihin uli namin na “Pag dapang-dapa na ang tao, ‘wag n’yo nang tadyakan. Lalo na kung alam n’yo sa sarili n’yong wala naman kasalanan sa inyo ‘yung tao.’

Sabi nga sa amin ng mga kaibigang production people ng ABS-CBN, “’Wag mo nang patulan at sagutin sa E-Live ‘yan. Level-up ka na dapat!”

Kaya ‘eto, dito lang sa mga kolum ko sa dyaryo, sa aking blogsite (http://www.ogiediaz.blogsite.com) at sa twitter na lang namin sinasabi ang aming panig.

At hindi rin namin kaila-ngang magpaliwanag sa mga akusasyon mo, dahil ikaw ang nag-imbento niyan, kaya ikaw ang magpaliwanag sa tao.

Saka kung hindi ka nagtagumpay bilang aktor noon, eh, ‘wag kang taray nang taray at lait nang lait sa mga artista para pumasok ang mga commercials sa TV show mo.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

14 thoughts on “POKWANG, P18-M NA ANG NAGAGASTOS SA IPINAPATAYONG MANSION!

  1. May lumalabas na article ngayon si Mr. Peter Ledesma sa journal.com.ph about Pokwang na ang pamagat ay INTRIGUES VS POKWANG FABRICATED. Sinabi ni Mr. Ledesma about sa ilang taga kapatid (i am assuming na kapatid network ito, TV5) nagpatutsada palagi kay Pokwang at isa isa itong pino probe na mali sila dahil si Pokwang ay hindi pa laos dahil nagpunta ito sa abroad for a show, then hindi ito tinanggal ni Mother Lily sa Temptation Island, as a matter of fact daw ang role dapat sanan ni Pokwang dito is tailor made for Pokwang, pero hindi daw pinayagan si Pokwang sa ABS at start magic na gawin itong project na ito, at kinumperma daw ito ni Mr. Ledesma kay Mother Lily Monterverde kung ano ang real reason at ang sabi ni Mother Lilly, they really wanted Pokwang kasi tailor made yong role ni Pokwang pero hindi pinayagan si Pokwang sa ABS at star magic. Ang ikatlo na naman, nagpatutsada ang mga kapatid na nagwala raw si Pokwang sa star magic at sinabi ni Pokwang na pag ginawa nya yon, si Mr. M ang magagalit sa kanya at maski hindi na ito makikita si Pokwang araw araw sa noontime show, may araw araw daw itong palabas sa Banana Split at kasali din si Pokwang sa bagong movie ni Vic Sotto at Bea Alonzo at haping happy daw si Pokwang dahil nagsabi daw ang lahat na noon pa daw gusto kunin ni Vic si Pokwang sa move even when Pokwang was still in Wowowee at napaiyak si Pokwang dahil nagbilin si Vic na kailangan ibigay kong ano ang hihingin ni Pokwang at inilagay pa si Pokwang sa tent na may aircon, all these are ordered by Vic Sotto. Okay mga kapatid or TV5, anong say nyo dito? Iba kasi dyan sa inyo paninira lang ang laman, gawin nyo ng tama ang mga trabaho nyo para hindi kayo MAPAHIYA. Yon, para na naman kayong lumabas na HINDI CREDIBLE. Magpakabait na kayo mga TV5.

  2. hay nako,,excited ako sa tandem ni VIC SOTTO AT BEA ALONSO din,,pero sana di sila lover dito,kase di naman bagay wag ipilit ok,,,at sana kakaibang tema ito at looks nila,,,kasama ba dito si COGIE DOMINGO?

    hay nako,,pokwang basta mag work ka at mag ipon ng mag ipon,,kase di naman habang buhay ang showbiz,,di naman true ang laos na ganyan,wala namang nalalaos na stars,,sometimes po choice na ng stars ang mag stop muna at bumalik o tlagang mag retire na muna,,sometimes,may mga stars na tlagang hindi meant to be sa showbiz,pilit ng pilit wala namang star o mass apil na tinatawag,.,..kAPAG MAY MASS O STAR APIL KA KAHIT KELAN KA PA MAGBALIK SA SHOWBIZ,,GO!KAPADIN,LOVE KAPADIN NG MADAL,NASA TAO KASE ANG PASYA,,,E,PERO KUNG NAGPAPAKASIRA KA SA SHOWBIZ,KAHIT MAGBALIK KA E,,WALA DIN,,KASE BABATIKUSIN KA LANG NG TAO,,PERO MERON DING MAY MGA STARS NA KAHIT NASIRA SILA NOON,SWAK PADIN SILA SA PANLASA NG TAO,YUN AY,MASS APIL TLAGA,,SA KASO NI POKWANG AT IBANG COMEDIAN,.MAIKSI ANG SPAN NG ORAS PARA S AKANILA SA SHOWBIZ,KAYA MAG IPON,.IBA PADIN KAPAG SERIOUS STAR KA,,SO,IPON NG IPON POOKIE!.AT WAG TUMULAD KAY AIAI,,NA NAGIIPON NG JOWA NA GAGAMIT SA KANYA,,WAHAHAHAHAHA

  3. Exile, anong time ba lalabas ang Showbiz Mismo ni Jobert/? Is it the same website na radio station na binigay mo sa akin? When I type DZMM, it does not come up, is it possible to teach me again in details how to search for the DZMM, showbiz mismo and what time does it come in? Salamat Exile!

    • …yung ibinigay ko sa yong website dun un `teh,i-type mo dun sa itaas yung may nakasulat na
      [Search for radio by keyword or zipcode].
      ang{Philippine}
      tapos click mo sa [Go] at baka lumabas na…
      or di kaya try mo rin ito………
      ( htt://radiotime.com/region/c_101036/Manila.aspx )try mo te.reply ka ule pag di mo makita anytime…..

      • …at yung showbiz mismo,hindi ko rin alam ang exactly time teh,ngayon nakikinig ako…..ng
        [Todotodo Walang Preno/ariel ureta,winnie cordero]next nila
        [Aksyon ngayon/kaye dacer,julius babao]tapo may news,sunod MMK yata yun and then kay
        [Dr.Love/brother jun banaag]and then sila na.
        [Showbiz mismo/jobert sucaldito,awel ]medyo napaaga sila binago kasi ang schedule.

  4. Pingback: Tweets that mention POKWANG, P18-M NA ANG NAGAGASTOS SA IPINAPATAYONG MANSION! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

  5. Go Ogie, i like yong sinabi mo na "KUNG ANO ANG INILIIT MO, SIYA NAMAN ANG INILAKI NG UTAK MO O NG PUSO MO" . He!He!He! :) Ngayon nalaman na ng lahat na maliit pala si Junior. Iyon kasi, hambog MO kasi, dahil lang ba sa magaling kang mag-English, akala MO kung sino ka na. MOve over na nga at magbago kana at isama MO na yong pet mong baboy at i fry mo naman para ma Crispy ang pata. Huraaaay Ogie, doon sa blogspot mo, 99% galit kay liit. Sana mabasa nya yon. Here I will repeat the site ogiediaz.blogspot.com para mabasa nya. Yeeeyyyyy! Keep going Ogie.

    • …correct ka jan Maria.narinig ko si jobert kahapon sa MISMO,at tawa ako ng tawa about MO,….dahil sa maliit issue.kaloka….totoo kaya yun?pwede kayang sabihing …..ang cute cute MO…..

      • Exile, may tanong ako sa iyo pero I mistakenly typed it in another window instead of typing it under your reply, so my question is on top of my other comment. Salamat Exile.

      • At exile,meron bang mga past episodes sa showbiz mismo? Noong nandoon pa kami sa ibang state, may direct TV kami and i was able to get the ABS and GMA from Direct TV and I always listen sa showbiz mismo maski walang picture, sounds lang and nakakaaliw talaga, lalo na kung humahagakhak na silang lahat. Nagpapatawa lang sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.