Pokwang, out sa pelikula ni Ai-Ai!

ISA SI SHARON Cuneta sa magiging ninang sa kasalang Ogie Alcasid at Regine Velasquez this coming December 27. Bukod sa Megastar, ilan pang top executive ang kinuhang maging sponsors ng nasabing kasalan.

“Ayoko munang i-reveal. Basta ang tiyak dito ay ikakasal na kami at ang mag-a-arrange ng flower ay si Michelle Van Eimeren,” sabi ni Ogie nang makausap namin ito sa Mega Drama concert ni Sharon sa Araneta noong Sabado ng gabi.

Ayon pa rin kay Ogie, isang simpleng kasalan lang daw ang mangyayari at ito ay exlusive coverage ng Siyete.

“Siyempre bilang respeto sa mother station namin, kaya dapat sa Channel 7 mapapanood ang buong details.” Sabi pa ng magaling na singer.

Sinabi pa ni Ogie na darating ang kanyang mga anak mula sa Australia at kabilang ito sa entourage ng kanilang kasal ni Regine.

IBANG-IBA NA ANG hitsura ni Paquito Diaz. Payat, puti ang buhok at utal na siyang magsalita ngayon. Ayon kay Tita Nena, asawa ni Tito Paquits, hindi naman daw sila pinababayaan ng kanilang mga anak na sina Cheska Diaz at Joko Diaz. “Rent lang ang bahay naming ito, pero maayos naman at nagpapasalamat ako dahil hindi kami pinababayaan ng aming mga anak,” sabi Tita Nena.

Ayon pa sa kanya, sinadya nilang sa Bicol na lang manirahan ni Tito Paquits dahil bukod sa sariwa ang hangin ay rito siya lumaki.

“Noong malakas pa si Paquito, ang dami-dami kong kahati sa kanya. Ngayon, akin na lang siya,” tumatawang sabi pa ni Tita Nena na nagsabi pang kailanman ay hindi niya iiwan ang asawa na minsan isang panahon ay kinilalang kontrabida sa maraming pelikula. “Ibang-iba si Paquito sa likod ng kamera, napakabait niyang tao at responsableng ama.”

HINDI PALA PASOK ang beauty ni Pokwang sa pelikulang Tanging Ina N’yo Rin: Last na ‘To ni Ai-Ai delas Alas. Ang usap-usapan kasi, pinalitan na raw ni Pokwang si Eugene Domingo.

“Sa pagkakaalam ko, hindi talaga kasama si Pokwang. Meron kaming pelikulang gagawin, pero hindi sa Tanging Ina,” paglilinaw ni Ai-Ai na nagsabi pa sa Pinoy Paparazzi na wala raw silang away ni Uge. “Bakit naman kami mag-aaway? Wala namang dahilan para patulan namin ang mga intriga.”

Sa kabilang banda, sa nakaraang Mega Drama concert ni Sharon Cuneta, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama sa isang number sina Ai-Ai at Pokwang.

“Actually, ako ang nagbansag na ‘comedy princess’ si Pokwang, sa akin nanggaling ang title na iyon,” sabi ni Ai-Ai na tinatanggap naman daw ni Poks ang nasabing titulo na galing sa Comedy Concert Queen.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

One thought on “Pokwang, out sa pelikula ni Ai-Ai!

  1. Dapat tahimik na lang magpakasal yang mga imoral na yan. Ibabandera pa nila sa madla ang kasal nila na ang tgal n nilang nakalublob sa kasalanan. bad example k u s mga kabataan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.