Pokwang, nakakatawa pa rin ‘pag nagagalit!

SI PAOLO CONTIS, adik! No, hindi sa droga. Adik sa kanyang anak na si Xonia na isinilang ng kanyang dyowang si Lian Paz nu’ng March 7.

“Ang sarap sana kung naabutan ni Papa si Xonia,” sey ni Pao na kelan lang din nu’ng namatay si Mr. Renato Contis. “Pero I consider Xonia na kapalit ni Papa.”

Sobrang adik nga si Paolo ke Xonia. Buti nga at hindi nagseselos si Lian sa anak. Pati pagpapalit ng diaper, pagtitimpla ng dede ay nama-master na ni Paolo, dahil gusto nga niyang magpakaama.

“Wala na akong panahon sa gimmick. ‘Pag walang trabaho, rito lang ako sa bahay, magpapakatatay. Sobrang sarap ng feeling pala ng may anak!”

Siyempre, ‘pag me mga tanong si Paolo tungkol sa kanyang pagiging tatay, eh, kami ang kanyang tinatawagan.

NAKITA NA NAMING nagalit si Pokwang finally! At ‘pag nagagalit pala ang hitad, eh, parang hindi ka rin mate-tense, bagkus matatawa ka, kasi, nakakatawa ang lola n’yo.

After ng production number nila ni Melai Cantiveros sa Wowowee nu’ng Saturday, magpapalit na ng damit si Pokey sa dressing room. Eh, maghe-‘Hep Hep Hooray’ na siya. Ang nakakalokah, wala siyang pamalit na sapatos. Hala, ang Pokey, tumalak sa kanyang PA na si Annie. “Nakakalokah, ano ‘to? Maghe-‘Hep Hep Hooray’ ako nang nakatsinelas? Juice ko naman, Annie, nakakalokah ka!

“Sige, i-try mong mag-show nang nakatsinelas. Ikaw ang maghe-‘Hep Hep Hooray!

“Ang pangit pala ng effect ‘pag tinataasan ang suweldo. Nakakalimutan ang sapatos ko sa bahay!

“NAKAKALOKAH, LORD! AYOKONG MAG-HEP HEP HOORAY NA BONGGA ANG OUTFIT KO, PERO NAKATSINELAS LANG AKO!”

Ha-ha-ha!

“ANG SAYA-SAYA KO, mama!” Tili ni Vice Ganda sa telepono nu’ng tawagan kami. “Ako ang kauna-unahang Pinoy celebrity na naka-reach ng one million fans sa fan page sa Facebook.”

Actually, alam nyo ba, ‘yan din ang problema ni Vice noon. Sabi niya, ‘yun daw ang birthday wish niya sa March 31. Na umabot sa isang milyon ang kanyang supporters sa Facebook. At wala pa ‘yung bday niya, natupad na agad.

“Mama, ano ba ‘tong nangyayari? I can’t believe this. Totoo ba ‘to, mama?”

Nung isang araw lang, ang lungkot-lungkot ni Vice na hindi niya malaman kumbakit. At ‘eto nga, ang saya-saya na naman niya, dahil sa Facebook fan page niya. Sabi nga namin kay Vice Ganda, basta panatilihin lang niyang nakasayad sa lupa ang mga paa ng kabayo para tuluy-tuloy ang blessing ni God.

‘Wag n’yong kakalimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn. Kasama siyempre pa sina Ms. F., Fwend Rommel Placente at Daddy Eric.  ‘Yan ay kung type n’yo lang mag-enjoy. Kasi nga, nakakatawa naman talaga ang programang ‘yan, in fairness.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

3 thoughts on “Pokwang, nakakatawa pa rin ‘pag nagagalit!

  1. Is it true na si vice ganda ang papalit kay ruffa. That would be a goodnews, magaling at matalino si vice. He can dwell with boy and kris sa pov

  2. Thanks, Ogs! Aliw ako sa kuwento mo kay Pokwang. Kung ako kay Annie, magiging loyal talaga ako manilbihan kay Pokie. :D

Leave a Reply

Your email address will not be published.