Pokwang, nagbebenta lang ng plastik

HINDI na mapipigilan ang kasikatan ni Pokwang. Dito at sa iba-ibang bansa man, ang magaling na komedyana ang kinagigiliwan ng ating mga kababayan. Ang marami nga sa kanila, nanonood na lang ng Wowowee dahil sa kanya. Ganu’n na kasikat ngayon ang nakaaaliw naman kasi talagang komedyana.

Kinakarir ni Pokwang ang bawat paglabas niya sa TV, gumagastos siya para sa kanyang mga costume, sariling pera niya ang ginagastos ng komedyana at hindi pera ng production.

“Kunwari, sa isang araw, meron akong gagayahing personality, ngayon pa lang, iniisip ko na kung anu-ano ang kailangan kong ihanda. Kung wala akong existing na props, nagpapabili talaga ako, para plakado ang impersonation na gagawin ko.

“Manggagaya ka na rin lang, eh ‘di, idikit mo na nang husto, ‘di ba? Nagre-research talaga ako kung sino ang puwede kong gayahin, pinaghahandaan ko ‘yun,” kuwento pa ng komedyanang hit na hit sa panggagaya kina Nanay Dionesia Pacquiao at Annabelle Rama.

“Si Nanay Dionesia, mataas ang boses niya, umiindayog! Si Tita Annabelle naman, mababa na pabigla-bigla. Magkaiba ang tono nila, pero pareho silang karakter,” tawa nang tawang pahayag ng magaling na komedyana.

Patuloy ang pagdating sa kanya ng suwerte. Halos wala na siyang pahinga sa pagso-show sa iba-ibang bansa, kaya sinasamantala niya naman ang pagkakataon para makapagpundar.

May ipinagagawa siyang bahay ngayon sa Antipolo. ‘Yung kapapagawa pa lang niyang bahay du’n din sa lugar na kinamulatan niya, iniregalo niya sa kanyang nanay. Ganu’n kabuting anak si Pokwang.

Sabi pa niya, “Kapag dumadaan ako sa Antipolo church, naaalala ko ‘yung mga panahong nandu’n lang ako, palibot-libot, dahil nagtitinda ako noon ng plastic na supot.

“Galugad ko ang lugar na ‘yun, pinupuntahan ko ang lahat ng sulok ng simbahan para makabenta ako ng mga plastic na lalagyan ng mga suman at kasoy na binibili ng mga nagsisimba,” pagsariwa pa ni Pokwang sa makulay niyang kabataan.

Read Cristy Fermin’s Blind Item: Male TV host at female singer, malutong ang murahan ‘pag nag-aaway!

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

6 thoughts on “Pokwang, nagbebenta lang ng plastik

  1. parang sya yung tinitinda nya
    PLASTIK!!!

    muka pang aswang..
    bagay kayu ni cristy..
    mga panget!

  2. Kagaya rin niyang plastic. Hindi na siya nakakatawa. Medyo boring na. Pakinggan ninyo ang audience sa Wowowee pag nagpapatawa siya. Lahat tahimik. Si RR lang ang malakas tumawa. Mas gusto ko si Ai Ai. Natural ang pagpapatawa at hindi pilit. Hindi rin plastic si Ai Ai. Kailangan ni Pokwang, bago naman. Nagsasawa na rin ang mga tao kay Mommy Dionisia at Anabelle.

Leave a Reply

Your email address will not be published.