Pokwang, marami nang bawal sa Amerikanong ‘BF’?!

IS LOVE FLOATING in the air between Pokwang and her Mexican-American suitor Ryan Navarro? Mukhang may kakaibang kislap ang mga mata at ngiti sa mga labi ngayon si Pokwang. Is it because she’s in love? At sino nga naman ang hindi kikiligin kapag niligawan ka ng isang guwapong lalaki na katulad ni Ryan?

The two met when Pokwang recently had a concert in the US. It seems like Ryan was smitten by Pokwang’s charm. He introduced himself to Pokwang backstage after her performance. Nagpalitan sila ng kanilang cellphone numbers and they are now communicating through text messages. He also regularly watches her shows on ABS-CBN via the internet.

Parang FBI agent itong si Pokwang when she conducted a background check on Ryan. She revealed that he is divorced and a police officer in the United States. “Mabait naman. Maligaya ako dahil may inspirasyon na. Titingnan muna natin kung saan ito hahantong. Sana love talaga ang hanap niya at hindi account,” biro ni Pokwang.

Ang haba ng hair ni Pokwang. May pagka-conservative pala itong si Ryan dahil ngayon pa lang ay parang girlfriend na kung ituring siya nito. Sinabi ni Pokwang na pinagbawalan daw siya ni Ryan na gumawa ng mga daring roles matapos nitong malaman na siya ay kasali sa cast ng remake ng Temptation Island, a sexy-comedy-drama film in the 80s. This cult classic was directed by the late Joey Gosiengfiao and starred Dina Bonnevie, Alfie Anido, Azenith Briones, Jennifer Cortez, Bambi Arambulo and Deborah Sun.

Sabi ni Pokwang, “Ako iyong karakter ni Deborah Sun. Sabi niya (Ryan), ‘No kissing scene.’ Haaay, nakakakilig, ‘di ba? Parang sa kanya lang ako. Pero iyong concern niya wow! Sabi ko magbabali-baliktad lang ako roon. Kung ayaw niya talaga, ako na lang sana iyong baklang kinain nila sa pelikula.”

Ano pa ba ang hahanapin ni Pokwang sa buhay? She has a successful career as a comedienne and host. Okay rin ang samahan nila ng kanyang anak. Mukhang love na nga lang talaga para lubusan nang makumpleto ang kanyang kaligayahan.

Pokwang hopes her daughter will accept Ryan. “Sabi ko kasi sa kanya, ‘Iiwan mo rin naman ako kapag malaki ka na. Paano naman ako, ‘di ba?’ I deserve to wear a wedding gown.”

May plano raw dalawin ni Ryan si Pokwang and maybe that’s the time she will decide if she wants to settle down. Ano kaya ang magiging ending ng love story na ito ni Pokwang? Let’s all hope that it will be a happy one.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleAndi in The Ramp!
Next articleDerek Ramsay, asar sa pagkakabuking ng planong mag-propose ng kasal kay Angelica Panganiban!

No posts to display