Pokwang, malas sa lalaki!

SA TOTOO LANG, palaging bigo sa pag-ibig si Pokwang. Hindi na rin mabilang ang mga lalaking dumaan sa kanyang buhay. Bukod sa may edad na, hindi pa siya kagandahan. Kaya this time gagawin niya ang lahat makapiling lang ang lalaking mahal niya.

“Sobrang in love na in love ako kay Zanjoe (Marudo), patay na patay ako sa kanya rito. Ang hitsura ko rito, kapag nakita ninyo, hindi kaibig-ibig, kaya ginamitan ko siya ng gayuma. Nagawa ko sa kanya ‘yun sa ngalan ng pag-ibig. Ginawa ko ‘yun mapasaakin lang siya, ‘yun ang kasalanan ko. Limang kasalanan, limang kabayaran, limang direkor, limang istorya, isang pelikulang Cinco… episode – Puso,” tsika ni Pokwang na may kilig dahil natikman niya ang hunk actor.

Totoo ba ang tsismis na very passionate raw ang kissing scene ninyo ni Zanjoe? “Official kami na! Ha-ha-ha-ha! Basta panoorin na lang ninyo, may eksena kami rito na bubura sa lahat-lahat ng mga kissing scene na nangyari sa industriya ng pelikulang Pilipino,” pagmamalaking sabi ng comedienne.

May selos factor ba si Mariel Rodriguez sa kissing scene ninyo ng hunk actor? “Ikaka-peace of mind niya! Ha-ha-ha!” Matipid na sagot ni Pokey. “Kung nakita ninyo ang kissing scene nila, noon ko lang nakitang nag-blush si Pokwang,” sundot naman ni Direk Cathy Garcia-Molina.

“Blush ba ‘yun? Para nga akong mukhang suka…” depensang wika ng singer-comedienne. Tipong nasarapan yata si Pokie sa kissing scene nila ni Zanjoe sa tinuran ni Direk Cathy. “Hindi, ginawa lang namin ‘yun kasi kailangan talaga sa eksena at para mapaganda ‘yung pelikula. Hindi lang naman sa amin magre-reflect ‘yun kundi para sa lahat. Sa totoo lang, naiilang ako sa kissing scene namin, nahiya ako dahil palagi kaming magkasama sa comedy (Banana Split) na pulos kalokohan, tapos biglang seryoso… may kiyemeng ganu’n,” paliwanag niya.

Ayon kay Direk Cathy, very passionate raw ‘yung kissing scene nina Pokie at Zanjoe, tumagal ito ng 30 seconds. “Hinilamusan nga niya ako ng dila… Ha-ha-ha! Mararamdaman ninyo ‘yung ginawa namin kaya dapat lang abangan ninyo. At least, nakatulong ako para maka-move-on… mahal ako ni Mariel, ang akin ay kanya, ang kanya ay akin. Ha-ha-ha! Ganyan kaming magmahalan, share-share kami! Si Zanjoe naman barkada kami, nailang talaga ako, pero sige na nga, gawin na natin ito. Sabi ko sa kanya, huwag kang mamimihasa…” pakuwelang sambit pa ni Pokwang.

Ibinuko pa ni Direk Cathy na before the take, pareho pang nag-toothbrush sina Pokie at Zanjoe. “Twice a week lang akong nagtu-toothbrush, nang dahil du’n, five minutes yata, matagal talaga pero sobrang nailang talaga ako. Sa tulong ni Direk nabigyan namin ng justice ‘yung eksena. After the scene para lang akong humalik sa barkada…”

Tutal naman natikman na ni Pokie si Zanjoe, sino pa kaya sa mga artista nating lalaki ang pinapantasya niyang maka-love scene? “Tutal pantasya lang naman ito, siyempre hindi mawawala si Papa P. (Piolo Pascual). Siya ang number one sa list ko kasi kilala ko na siya at madalas kaming magkasama sa abroad. ‘Yun nga lang, palagi ko siyang nakikitang laging nakabihis. Gusto kong makita… kaming dalawa lang! Sam Milby, Gerald Anderson na medyo bata ito. Pasensiya na ilusyon lang naman, pang-apat si Lloydie (John Lloyd Cruz), panglima ko si Derek Ramsey. Si Robin Padilla, siya naman ang gusto kong mapangasawa, ‘di ba?” nagbibirong tsika ni Pokwang.

Kamusta na kayo ng dyowa mong foreigner na si Ryan Navarro? “Wala na ‘yun, ginayuma na ng iba. Sinubukan ko ang sarili ko, wala akong suwerte sa lalaki, ‘yun lang. May nadiskubre akong hindi kanais-nais, so akin na lang po ‘yun. Kung bakla lang siya, mamahalin ko pa… Ang totoong istorya wala na kaming dalawa so, ayaw kong isipin pero hanggang du’n na lang kami. Mabuti na lang at maaga kong nalamang may bagong kimbuli (babae) na siya. Hindi naman ako umaasa na pupunta siya rito, alam ko lang na darating siya, anytime so, nagpaka-busy ako sa trabaho, ‘yun lang,” pahayag ni Pokwang na halata mong bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

Paano na-discover ni Pokie na may bagong babae ang boyfriend niyang si Ryan? “Marami akong friendship na mga Pinoy sa States. Isa na ‘yung nagpakilala sa akin sa kanya. With all the pictures and everything… Kasi nga, sobrang nadala na ako sa nakaraan ko, basta official wala na kami, tapos! Sa ngayon, ang puso ko nasa trabaho uli, back to work,” kuwento pa niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

6 thoughts on “Pokwang, malas sa lalaki!

  1. Alam nyo, walang magseseryosong lalake kay Pokwang, seryoso lang si Pokwang sa kita o pera niya. Kung ikaw ang lalake, pakakasalan mo ba siya? Puede, dahil sa pera niya. Saka kilala ko na siya, siuradong kawawa lalake sa kanya, sa pag kabungangera at sungit niya. Sa totoong buhay, masyadong maldita siya, kahit tanungin nyo mga kasamahan at kapitbahay. Sa Bench Uncut nga, may pinagmumurang guest siya, pinatulan ba naman e viewer yon. Saka balimbing yan, see, sino ba nag ahon at binigyan ng break para sumikat, sino pa, si ang inyong lingkod, and then nag Ninoy siya, iniwan ako sa ere. Kilala ko na siya. Busy nga pala ako sa businesses ko, napasilip ako dito, nakakatuwa mga write ups dito. More Power… (huag naman nyong ikumpara ako kay Vice, ano ako, baklang bungangera? hindi oy..) thanks

  2. kailan ito nangyari? napapansin ko nga na si Mariel, pilosopo na rin at nambabara na rin! nahawa na kay yabang na willie!

  3. Ano ba ang naging trabaho dati ni Mariel sa Singapore? Nang tawagin niyang ULOL and isang contestant nang Wowowee, nakakabigla. Asal GRO, walang breeding. Nakakasuka sa kaplastikan ang babaeng ito.

    • may pagka street smart lang naman siya, kaya nagsalita ng ganon, just kidding aside ba, but not realising on air pala sila. Pero cowboy si Mariel, kanit saan mo dalhin puede siya, totoong tao. Thats really her at hindi na mababago yon.

      • Being street smart is not a license to act with no manners. Maraming street snmart sa atin na disente. Si Mariel, maliban sa mapanginsulto sa mga contestants, gingaya ang accent nang ibang dayuhan at palaging may snide remarks sa mga kawawa nating pinoy na sumasali sa Wowowee. This is a sign of an ill mannered person. Unfortunately, ang salitang cowboy is misrepresented. Cowboys over here use the “yes mam and yes sir” method of communicating, ALWAYS. . . ., bagay na siguro dapat matutuhan ni Mariel. . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.