Pokwang, mababantilawan sa pagsulpot ni Melai ng PBB? – Ogie Diaz

HONESTLY? ANG BET namin bilang PBB Double Up Big Winner ay si Jason, pero karamihan din, ang bet ay si Melai.

Ba’t si Jason ang gusto namin? Kasi, ang lakas ng dating ni Jason, eh. Bihirang bumitaw ng linya, pero nakakatawa. Hindi nagpapatawa, pero mangingiti ka na lang kapag nagsasalita.

Taga-Mindoro si Jason at cute ang kanyang accent. ‘Wag niyang babaguhin ‘yon, dahil ‘yan ang magdadala sa kanya sa rurok ng tagumpay.

Rurok talaga, ‘no? Para lang nakikipag-sex. Hahaha!

Good luck, Jason!

Naku, as if naman, mababasa niya ito, o!

EFFECTIVE MAGING SIDEKICK ng bida si Jason. Kaya maganda rin ‘yung ginawa ni Jayson Gainza na mag-reinvent. Kaya naman ‘yung Boy Abunda look-alike, talk alike na ginagawa ni Jayson ay okay.

Pero paglabas ni Jason sa PBB house, baka ‘yung role na para kay Jayson ay mapunta ke tukayo, dahil mas fresh ang dating. Kaya ano ‘to? Magre-reinvent na naman si Jayson Gainza?

NAKARATING SA AMIN, si Melai daw, paglabas ng PBB house, meron nang launching movie na nakaabang para sa kanya ang Star Cinema. Ewan kung binibiro lang kami ng kausap namin at gusto lang kaming papaniwalain na bukod kay Jason ay lalabas din sa pelikula sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz at Sam Milby bilang “karibal” ni Jason sa puso ni Melai.

Bigla tuloy naming naalala si Pokwang. Sa kanya ikinukumpara si Melai. ‘Pag ang baguhan ay ikinukumpara sa datihan, madalas na “lugi” ang datihan, for obvious reasons.

Generally speaking, ‘pag ikinumpara mo ang antique na gamit sa moderno, sa luma kumpara sa bago, sa established kumpara sa umiingay pa lang.

Talagang “Luz Valdez” ang datihan. Kaya again, reinvention ang dapat gawin ni Pokwang dahil kahit saang anggulo tingnan, “lugi” siya sa comparison.

Alam n’yo bang dapat sana, noon pa nagka-launching movie si Pokwang sa Viva Films? Ang kaso, may nagtsika sa amin na excited na ang Star Magic, pero hindi lang sila pinayagan ng isang “kampo.”

Sayang, nabantilawan tuloy si Pokwang. Eh, ‘di sana, ka-level na niya ngayon si Ai-Ai delas Alas, ‘di ba?

Si Vice Ganda, ang aming kaisa-isang talent, ay gagawa na ng launching movie sa Viva Films mula nu’ng mapanood ni Boss Vic del Rosario ang husay ni Vice sa pagpapatawa at pagkokomentaryo bilang resident judge ng Showtime (na pansamantalang Magpasikat ang title, dahil sa “kawalang-puso” ni Osang sa mga teachers).

Yes, ilulunsad na si Vice Ganda bilang Petrang Kabayo na ikinuwento pa lang sa amin ni Direk Wenn Deramas ay tawa na kami nang tawa sa storyline.

“Habang mainit-init pa si Vice, i-launch na natin. Dahil ayoko nang maulit ‘yung offer ko ke Pokwang na nalungkot ako, dahil hindi natuloy,” sabi pa ni Boss Vic.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn with Daddy Eric Borromeo, Friend Rommel Placente at The Legend Ms. F.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

13 thoughts on “Pokwang, mababantilawan sa pagsulpot ni Melai ng PBB? – Ogie Diaz

  1. waaaaa ang daming mga melason bashers dito whahahaha.. kawawa naman kau dami nang nakaline up na movie saknila.. mapapagod lang kau sa kakadakdak niyo jan haha.. odi sana bumoto kau nang bonggang bongga para hindi ang melason ngaun ang center of attraction nang abs-cbn ngaun hahaha.. mamatay kau sa inggit mga bitter hahaha…

  2. ang daming naloloko dito sa pbb nila…SCRIPTED NAMAN!!!..kung ano anong kaekekan…sabi nga abs insider namin lahat daw yan planado…inaalam lang kung sino mas magaling mang-uto…tsk tsk….

  3. i like Jason also. at first i thought he’d not make it because he was so lazy. but i am beginning to like him now.

    melai is also talented in comedy. but pokwang should not be insecure just because there’s someone new that’s being introduced. pagbutihin nalang nya yun craft nya para mas marami pa syang maaccomplish.

    i love them all!

  4. OH…FOR THE FIRST TIME..I LOVE YOU OGIE…MWAHHH MWAHHH…MWAHHH..BET KO DIN SI JASON…PEDE DIN SI MELAI..VICE VERSA…AYYYY..ANG CUTE NAMAN NG ARTICLE NA TO..KASING CUTE MO OGIE….HEHEHEH

Leave a Reply

Your email address will not be published.