Pokwang, itinangging titigbakin na ang noontime show!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly. And as what I’ve said, don’t make your Monday a blue Monday!  Dahil isang pasabog na naman ang isi-share ko at galing talaga sa isang reliable source, hahaha!

Kumustahin naman natin si Pokwang na natsi-tsismis na hindi raw kumita ang pelikula niyang A Mother’s Story. Nakakaloka ang komentong ‘yun.

Nang tanungin ko naman si Pokwang kung totoo bang hindi kumita ang movie niya, isa lang ang sagot niya sa akin. Kung sino man ang nagsabi nu’n, ipinagpapasa-Diyos na lang daw niya. Hahaha! Tungkol naman sa pelikula, paano raw na hindi kikita ang pelikula, kung sa ibang bansa nga kitang-kita na ang pelikula, dito pa kaya sa Pilipinas.

Anyway, heto pa ang isang ichinikka sa akin ni Pokwang. Nang tanungin ko nga siya kung totoo bang hanggang January 31 na lang ang Happy Yipee Yehey, ang sagot lang niya sa akin, hindi raw totoo ‘yun dahil maganda naman ang takbo ng programming ng kanilang show, at may balita nga raw na mag-e-extend nang hanggang February.

Pero heto pa ang chikka niya sa akin. Hindi na raw siya matutuloy sa London dahil nga may gagawin silang pelikula ni Vilma Santos. Hindi pa niya sure ang title, ang alam lang daw niya ay ang The Healing daw, at sila ang magiging cast du’n. Kaya hindi siya natuloy sa London, kasi mag-i-start na raw ang shooting niya with Vilma.

Pero paano kaya kung gumawa rin ng pelikula si Ate Guy with Eugene Domingo or Ai-Ai delas Alas? Mukhang mas bongga ang sabayan ng pelikula nila, lalo na ‘pag walang intriga. Pero hindi naman mapapansin ‘yan kung hindi nila lalagyan ng intriga, ‘di ba?

Go, go, go Pokwang! Tuluy-tuloy lang ang pasabog mo ngayong taon. At least your still there at marami ka pa ring project! Pak!

 

AT HETO naman ang isang isyu na nakakatuwa kaya mawiwindang ka sa ichi-chikka ko. Nakakaloka naman kasi itong si Vice Ganda na ang balita ngayon sa kanya, marami ang nagagalit na mga lola at mga ina dahil sa mga biro niyang hindi niya muna pinag-iisipan bago ilabas sa bibigyan niya.

Nagsimula kasi ito sa naging eksena niya sa lola niya na sumakabilang-buhay na at biniro niya. Kaya ngayon, ang mga nanonood sa kanya ay nawalan na ng gana, dahil mismong ang sarili niyang lola ay dinadaan niya sa katatawanan.

Naku, Vice… ano ba naman ang ginagawa mo? Dapat naman talaga ay pinag-iisipan mo ‘yan. Baka magulat na lang ang mga fans mo, saan ka na nila hahanapin. Ang sa akin lang naman, sana makarating sa iyo itong sinusulat ko. Kasi, concern ako sa career mo.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

15 thoughts on “Pokwang, itinangging titigbakin na ang noontime show!

  1. ayaw pa kase aminin na di kumita ang movie or matitigbak na ang HYY…

    ano ba naman kase ang mawawal kung magpakumbaba at aminin na hindi talaga pumatok ang movie or tv show sa mga manonood>?

  2. @ronnie, ewan ko ba dyan ke tandang alfie kung bakit galit na galit kay pokwang. Asan ba si pokwang at matanong. Baka naman nagaantay sa kanya si tandang alfie ng lagay kaya kung ako sa kanya (pokwang) ay padadalhan ko yan ng kahit ano para matigil na ang bunganga ni alfie.

  3. Papalitan na daw ng SHOWTIME. Nakinig na lang dapat pala sila randy at John ke Willie noon na kung hindi mag rerate ang show ay tatangalin sila. Isinakripisyo ni John ang magandang future niya sana sa TV5 kaya ngayon siguro sising-sisi na sila randy at john kung bakit pa nila tinanggap ang HYY… Kung tatanggalin nyo yang HYY siguradong lalayas na sa ABS sila john at Randy. Kung papalit-palit kasi ng noontime show malilito ang mga viewers at mas lalo nilang panunuurin ang EAT BULAGA. Nililito nyo kasi ang mga viewers nyo eh sino ba naman ang pupunta sa studio na hindi mo alam kung nasa EAT BULAGA ka ba o nasa ABS ka. Kaya marami nagkakamali sa mga contestants kung sino ang pasasalamatan nila na sponsor at show. I maintain nyo ang HYY pero palitan nyo na lang yung mga ibang co-host na malas dyan kagaya ni POKWANG. Mag isip ng mga bagong pakulo at mga bagong games na maaaliw ang mga viewers palitan nyo ang director ng show at yung creative consultant nyo. Lalong -lalo na palitan na lang lahat ng mga co-host nyo dyan. Hindi guarantee na kung ipapalit ang SHOWTIME sa HYY ay mapapataob na nila ang EAT BULAGA dahil puro sayawan na ngayon ang SHOWTIME mas lalong hindi na yan panunuurin.

  4. korek kyo dyan wla tlagang kuwenta ang hyy isipin ninyo ang ratings ng eat bulaga ay 30% samantalang ang hyy ay 5%lang nakakaawa kahit sinong ilagay ninyo dyan kahit si john L. or si piolo o kahit sinong sikat eat bulaga pa rin si willy lang ang talagang katapat kaya lang magkakabati na sila hahahahaha sa telesere ndi ko alam kung anong mataas na ratings amaya ba binondo girl ba o budoy ang heredera?mayabang pa rin si pokwang…

  5. Kahit anong paninira ni D.O.G. ( Dirty Old Gay) Alfie Lorenzo kay Pokwang ang Piolo, he can not deny that both are still successful. Bitter kasi ang matandang bading dahil wala syang nakukuhang datung sa dalawa pero pag may makukuha sya tulad ni Lolit, all praises ang matandang bading tulad din ni Cristy.

  6. ayyyy… na sa sad ako….mawawala na kasi ang HYY…sabagay wala naman talagang kaganda ganad ang show na ito… maganda pa yung MTB nuon…sana naman alisin na din sial John at Rico J…kasi di masyadong maganda…hay na sa sad talaga ako….keme lang!

  7. HYY is bidding goodbye soon. Papalit ang Showtime sa kanilang slot–with the addition of KC Concepcion as host.

    Oh well, HYY did not offer naman kasi something new sa audience.. Puro recycled games at walang katorya-toryang segments

  8. dapat talaga tsugihin na yang happy what ever na yan dahil walang wenta ang mga palaro at segments nila… ibalik na lang ang MTB

  9. Flop ba ang “A Mother’s Story” ?   Wala naman kasing hatak talaga si Pokwang… Corny siya talaga..  Magaling si Ai Ai,  Eugene Domingo at Vice Ganda! 

  10. @HugoParada, pasalamat ka na lang at meron napapanood ng libre ang mga tao dyan sa pinas. Pasalamat ka na rin at isa sila sa mga nakatutulong sa mga nangangailangan kase kung ikaw lang ang aantayin ay maninigas ng gutom ang mga tao sa pinas. lol!

  11. Pokwang is so defensive, meaning TRUTH is out there. Pokwang’s movie is a flop, Happy Yipee Yehey is a flop, it’s no surprise if the show is cancelled due to poor viewership, and VERY LOW ratings! Nakakatawang nakakaawa na nakakaINIS na si Pokwang na mismo ang nagbubuhat ng sariling bangko na kesyo ganoon at ganito, eh hindi nman siya ang producer hindi naman siya ang accountant o bookkeeper na nagrerecord ng poor earnings ng movie niya, pati na ang walang dating na show nila na HYY!

Leave a Reply

Your email address will not be published.