Pokwang, ipasisilip si Cristy Fermin sa BIR?!

OLA CHIKKA!! BUKAS ng gabi sa CCP Main Theatre ay mapapanood na ang world premiere ng panibagong obra ng batikang direktor at writer na si Direk Neal Tan.

Nababalita at pinag-uusapan na sa iba’t ibang dyaryo at maging sa internet ang pelikula niyang Tarima na pinagbibidahan ni Fanny Serano at ng ex-PBB housemate na si Rocky Salumbides at siyempre kasama rin nila ang batikang aktres na si Ms. Gloria Romero at marami pang artista, kung saan ay talagang maaantig kayo sa kanilang pag-arte at sa pagkakagawa mismo ng pelikula.

Dahil pinag-uusapan at pino-promote ang indie film na ito, napanood noong nakaraang linggo ang bidang si Fanny sa Juicy ng TV 5, at alam ng lahat na maraming bad vibes doon, at isa na nga roon ang nag-iisang Cristy Lucy Fermin.
KASAMA NI Fanny sa set ng Juicy itong aking co-host sa radio program na si Chito Alcid at doon ay nasagap niya ang balitang ayon daw kay Lucy Fermin ay gumagawa lamang ako ng kuwento at hindi raw talaga ako kilala ni Pokwang, kaya hindi ako dapat pinaniniwalaan.

Ekskyusmi pow! For everyone’s information, hindi ako gumagawa ng kuwento kaya naman magpo-41 years na ko rito sa showbiz industry, wala ako kahit isang libel case. At para sabihin ko sa kanya, taon-taon kaming namamanata ni Pokwang sa Black Nazarene ng Quiapo.

Ang isyung ito ay patungkol sa utang ni Lucy Fermin kay Pokwang. At kahapon nga ay nabasa ko sa isang tabloid na itong si Pokwang daw talaga ang may utang kay Cristy at ang ilan dito ay mga paintings na kinuha ng komedyana sa TV host na hanggang ngayon ay hindi pa raw bayad.

Kaya naman agad tinanong ko ang aking FRIEND na si Pokwang through text at narito ang aming eksaktong naging usapan:

Tita S: Gud am! Totoo b na ikaw ang may utang kay lucy fermin kumuha ka raw ng mga paintings na hanggang ngayon ay hindi pa bayad kaya ikaw daw ang may utang sa kanya?

Pokwang: Ha-ha-ha! Nakakatawa nga ang isyu na ‘yan hindi po ako napapakali kapag may utang ako at sino ba sa amin ang may mga demanda pagdating sa ganyang usapin?
At bakit estafadora ang tawag sa kanya ng mga nakaka-away n’ya dati?

Ayaw ni Tita Anabelle Rama ng ganyan!

Tita S: Ok. So hindi ka kumuha ng painting sa kanya?

Pokwang: Lahat po ng painting na kinuha ko ay bayad at kahit hindi ko kailangan binili ko na rin para sa pakikisama! Hahaha!! Kapal ng facety fermin nayan!

Tita S: Ok. Tnk u! Ang kapal talaga ng lucy fermin na ‘yan napakasinungaling. Sa bagay, wala namang nagtitiwala riyan.

Pokwang: Flangak! Ang sarap ipatira sa BIR wala silang resibo e ang mamahal ngpaintings! Kaloka hindi nagbabayad ng tax? Pa tsek ko kaya?

Tita S: P’wede ko ba ilagay sa column ko sa Pinoy Parazzi?

Pokwang: P’wede po kasi wala naman talaga silang ibinigay na resibo na may OR kaya ang lakas ng loob nyang sabihin na may utang ako. Pero sa batas dapat po kapag ganon ka mahal na ang paninda mo dapat may OR dahil hindi naman isang stick lang ng yosi ang halaga ng binili ko.

Tita S: Ang utang ba sa ‘yo ay pera or what? Magkano?
Pokwang: Pera ang utang nya at nasa akin pa ang kopya ng deposit slip ng BDO. Kahit si RR at Valerie bumili sila ng painting at walang resibo.

Tita S: Ok. Tnk u! Ano pa ang gusto mong iparating? Advanced Hapi bday God Bless!

Pokwang: Sa lahat po ng nangyari sa ‘min dasal ko pa rin na mananaig ang katotohanan at alam ng Diyos na wala akong ginawang dapat n’yang ikagalit sa ‘kin nang personal.
AT IYAN ANG aming naging usapan ni Pokwang. Kaya kayo na lamang ang humusga kung sino sa amin ni Lucy Fermin ang gumagawa ng kuwento. Maraming salamat, Pokwang!

Kaya aming mga kaparazzi pakisubaybayan na lamang ang mga susunod na kabanata sa istoryang ito. Paaakk!!

AT NAIS KO pong batiin ang aking pinakakamamahal na kaibigang si Ka Rey Herrera at ang kanyang napakagandang asawang si Ms. Samantha at anak nilang napaka-cute na si Nini. Maaari n’yong mapanood si Ka Rey para sa kanilang King’s Herbal Food Supplement mamayang 10-10:30 am sa Bitag Live ng UNTV. ‘Yun na! This is your Tita Swarding saying… Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleKris Aquino, may tampo kay Mariel Rodriguez?!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #156: August 27-29, 2010

No posts to display