Pokwang, ibinuking na may sari-sari store si Melai Cantiveros sa loob ng kotse

With Pokwang & Melai Cantiveros

With Pokwang & Melai Cantiveros

Ibinuking ni Pokwang kung gaano siya binusog ni Melai Cantiveros sa taping ng “We Will Survive”.

“’Eto ang nadiskubre ko kay Melai Cantiveros. Grabe, kalahati ‘yata ng kotse niya ang laman ay sitsirya. Umamin ka. Kaya yata ang ngipin niya hiwa-hiwalay ay dahil sa kakakain ng Potchi, eh. ‘Yung Potchi ay ginagawa niyang kanin. Kapag inaantok na ako at gusto ko nang mangngatngat ay inilalabas niya ang kanyang sari-sari store. Kasi ‘yung ibang artista ay nagdadala rin naman ng kutkutin, pero ang sa kanya ay papunta na sa 711, eh. ‘Yun ang nadiskubre ko sa kanya,” chika ni Pokwang sa presscon ng finale week ng “We Will Survive”.

“At isa pa, sobrang grabe ang tutok niya sa anak niya. Hindi naman lingid sa kaalaman natin ang naging issue sa anak niya. Sad to say nadamay ang bata na wala namang malay. Nakita ko kung gaano siya kaapektado sa issue. Well, kung ako rin naman bilang nanay, papatayin ko ‘yun. Pero siya, ang husay niya, kasi naitatabi niya ‘yon. Control lang, tiis, matiisin,” dagdag pa niya.

Bilib na bilib din siya sa kanyang leading man na si Jeric Raval.

“Alam naman nating action star siya, pero kapag may hinihingi ang director natin, for example medyo comedy nang konti. Alam nating medyo naiilang siya, pero nagagawa niya because love niya ang career niya. Ang hirap kasi sa action star na padadramahin mo, pero one time, umiyak siya. Ay, umiyak. Bumabaha (ng luha) ang lolo mo. In fairness naman, naka-deliver siya.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.