Pokwang, hihirit pa ng isang anak!

NAKAUSAP KO SI Pokwang sa pictorial niya para sa Star Magic. Sa una, pinakikiramdaman ko muna kung papaano ang unang topic na aking sasabihin. Lalo na medyo alanganin ang tingin ko kung suplada kaya ito or hindi naman.

Sa akin kasi, ina-analyze ko muna kapag nag-i-interview ako dahil sa iba’t ibang mannerism ng mga artista. Karamihan kasi, ‘pag talagang komedyante, mas seryoso ‘pag nakakausap ko at kung magpatawa man kaunti lang. ‘Yung kalog naman, ‘yun ang talagang nagpapatawa.

Kaya nag-iisip ako kung papaanong approach ko sa kanya. Sinabi ni Pokwang na ang kanyang screen name ay mula sa friend niyang bakla. Uhmm… Pero napapanood ko siya, mahusay siyang impersonator ni Tita Annabelle  Rama, tapos itong huli ay si Mommy Dionesia at si Marlene Aguilar. Gayang-gaya niya.

Curious kasi ako kaya tanong ko eh, anong age niya ngayon? “Ah, yes… next question please…”

Okey,he- he-he! Balita ko ikaw ang wealthiest star ngayon? “Sabiiiii?!”

Well, sabi-sabi lang nila o talagang totoo naman? “Marami akong mga kaibigan, doon ako pinakamayaman!”

Ah, kung ipe-paint ka, anong hugis ka sa likod ng kamera? “Diamond! Hehehe!”

Dugtong ko, ‘Ah, diamond is forever?’ “Kasi ang dating noon sa akin, positive… saka wealth.”

Ayon sa kanya, 95% katatapos lang niya ng isang full-length drama. Nak’s mukang seryoso ‘yun, reverse ‘ata ‘yun. So totally, tinanggal na rito ang pagiging comedienne niya? “’Pag nai-showing na ‘yong pelikula ng mga August o September, saka pa lang natin malalaman ang impact.”

Ano bang istorya nito? “A Mother’s Story. Tungkol ito sa isang ina na OFW.”

Anong plano mo after five to ten years? “Ah mag-aasawa na ako, hahaha! At hihirit pa ako ng isang bata kung kaya pang humirit, hahaha!”

Pang ilang anak mo na ‘yon? “Pangatlo! Oo, kung sakaling makasuwerte ako sa isang fo-reigner, ayyy!” Tumiling pagulat si Pokwang.

Dagdag ko, huwag sa foreigner, hehehe! “Bakiiit?” Ah, sabagay may nakita akong nag-asawa ng foreigner at nagkaanak ng maganda. Parang ‘yong istorya ni Nora, pero ‘yung bata maganda talaga. Ani ni Pokwang, “Hahaha! Oh, kita mo na, iyan na nga!”

Maiba nga ang pangungulit. Paano mo name-maintain ang katawan mo, kasi mukhang seksi? “Ah, ito ho talaga ang katawan ko eversince the world began.”

Ibig sabihin hindi ka man lang nagdiyeta? “Hindi ho ako nagdye-dyeta, wala nga ho kaming makain nu’ng araw, eh! Bakit ako magdidiyeta, hahaha!”

Yayaman ka nga! Parang tinuluy-tuloy mo na ngayon? “Swerte lang ako, kasi nabigyan ako ng maliliit na buto! Yuck!” Gaano kalalim si Pokwang at gaano kababaw sa tunay na buhay? Pabuntong-hiningang nagsalita, “Malalim ako bilang isang ina, gusto ko lahat maayos para sa mga anak ko. Mababaw ako bilang anak, kapatid, ‘pag nakita ko silang masaya, masaya na ako.”

Nabanaag ko nga sa mata niya na tila gustong tumulo ng kanyang luha. Pero, nararamdaman ko na tila matigas na ang kanyang kalooban. Ngunit nang malaon, tila ‘andoon na ang tiwala niya sa ‘kin. Naramdaman kong kahit komedyante, ang puso niya ay sagana sa pag-ibig at pagmamahal sa kanyang mga mahal sa buhay at mga tapat na kaibigan. Sinabi niyang paborito niya si Lady Gaga. Sige! Simula ngayon, ikaw na ang Lady Gaga ng Pilipinas! Wow, huh! Hahaha!

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

 

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838; cel. no. 09208534394; e-mail: orobiakpp@yahoo.com, maestrorobiaparazzi@yahoo.com or visit www.pinoyparazzi.com

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

3 thoughts on “Pokwang, hihirit pa ng isang anak!

  1. hwag na pokwang, matanda ka na…baka maging mongoloid pa yung bata. kawawa naman. imagine maging kamukha ni ogie diaz o alpweh l.??? kalerki!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.