Pokwang, bet si P-Noy?!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na! To the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly na talaga namang pinaniniwalaan… at kapani-paniwala. Thanks God it’s Friday! Dahil maloloka ka talaga sa mga chikka ko sa inyo.

Ang isa sa mga anak-anakan kong si Pokwang ay talagang masasabi mo na may pagka-ilusyunada, na talaga namang  pinadalhan mismo ng ating presidenteng si Noy ng bulaklak.

Naku, ‘teh, ano naman kaya talaga ang eksena ng aking anak-anakan at talagang nagpapaka-kontrobersiyal? Baka naman kasi talagang bet niya talaga ito, kaya naku, pa’no naman kaya ‘yun?! Hahah! Pero p’wede na rin, bonggacious, ‘di ba?

Well, abangan na lang natin. Kaya nananawagan po ako sa ating presidente… ano naman po kaya ang masa-sabi n’yo sa isyung ito na bet daw kayo ni Pokwang?

AT HETO NAMAN ang eksena ng kapatid ng presidente na si Kris Aquino, na talaga namang akala mo hanggang ngayon ay bagets pa rin.

Hindi pa rin kasi matapus-tapos ang isyu sa kanya, kung kanino pa rin ba siya nali-link? Pero bongga ngayon ang eksena niya kay Diether Ocampo na talaga namang ang isyu ngayon, hindi raw talaga kayang ibigay ni Diet ang luho ni Kris.

Naku naman, ‘teh, alam mo ba kasi kung saan ka pumapasok na eksena? Alam mo namang maluho ang Ate Krissy mo… hahaha! Kaya kung ako sa ‘yo, I-keri mo na lang kung bet mo rin talaga siya?

Pero ang tanong, hanggang kailan kaya talaga ang mga ume-eksena kay Kris na mga kalalakihan? At sana, magkaroon na siya ng bonggang lovelife at masasabi mong pang-matagalan, ‘di ba? Bonggacious!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino kaya itong actress na ito na talaga namang pagdating sa pag-arte ay bonggang- bongga at masasabi mong napakaganda talaga ng katawan niya at kung kani-kanino na rin nali-link?

Pero ang chikka rito nang matanong ng mga kaparazzi natin, kung ano ang mase-say niya sa ikinaganda ng eksena ngayon ng minahal niya at mukhang pinaglaruan siya ay hanggang ngayon ay bitternes pa din ang lola mo…

Naku, ‘teh, hanggang ngayon, ‘di pa rin makapag-move on? Naku, teh, move on na… ayan bongganacious!

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleAiko Melendez at Jomari Yllana, kinikilig pa rin sa isa’t isa!
Next articleBoy Abunda, bibitiwan na ang SNN?!

No posts to display