Pokwang at Melai, magkaibang level kaya walang comparison!

OLA CHIKKA! NGAYON ay araw ng Huwebes kaya dapat ay maganda ang pasok ng umaga, pero naku, ha?! Paano gaganda ang araw natin kung ang pag-uusapan natin ay mga pangit! Ha-ha! Excuse me pow!

Una sa listahan ay itong bonggacious na big winner na si Melai Cantiveros! Oh ano?! Nabasa n’yo lang ang ‘Melai’ tuwang-tuwa na kayo?

Eh, anong kagalakan pa ang nararamdaman ni Melai ngayon lalo na at may Jason Francisco siya?! Ang haba ng hair!
Maraming babae ang nahuhumaling dito kay Jason, ah, at isa na ako roon! Take note… “mga babae”! Kaya naman, ingat ka Melai, ah, ‘wag masyadong magdiwang dahil you’ll never know lalo na at nasa labas na kayo ng Bahay ni Kuya.

Kung pinataob ng kapangitan mo… este, ng beauty mo itong mga kababaihan ni Jason, eh, mapataob mo kaya itong si Pokwang?! Naku ha!

Hindi rin! Ibang level pa rin itong si Pokwang dahil marami na siyang napatunayan. Si Pokwang ay si Pokwang at si Melai… let’s see what she’s got! Naks!

Kaya stop comparing na, bakit ba hindi maiwasang maipagkumpara itong dalawa, dahil ba parehas silang may exotic beauty?! Eh, anong say nila sa beauty ko? “Kabayotic Beauty”!

AT SPEAKING OF beauty, Anong beauty kaya ang meron itong si Mommy Dionesia at nag-iinarts?! Parang “beauty AND the beast” ba ang drama niya upang maging sobrang demanding siya ‘pag may inaalok na project?! Excuse me pow! Baka “beauty OF the beast” p’wede pa!

Sa isang number lamang 100 thousand ang kailangan, plus bayad pa sa mga body guard, at kung anu-ano pa?! Heler Mommy D! Ayos ka lang? Walang dudang mag-ina nga kayo ng anak mong si Manny Pacquiao, parehas kayong kulang sa pansin!

Bakit ko pa kasi naisipang isulat ‘yang si Mommy D rito sa Pinoy Parazzi, kaya ayan ang dami nang gumaya at pinagkatuwaan siya. Eh, kung hindi ko siya sinulat, eh, ‘di sana wala nang papansin sa kanya at wala nang magmamaganda! Yuck!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong Pamintang Gwapings na host na kung mag-deny ay ay daig pa ang ‘denial king’? Talagang daig kasi… Denial Queen na siya!

Naku ‘day! Sayang ang kaguwapuhan niya dahil may naamoy ako. Kung ayon sa kanya, lalaki raw siya, ayon lang naman sa kanya, eh. Dahil sa pilantik pa lamang ng mga daliri ay kitang-kita mo na! At ang paghawak ng microphone?! Ibang-iba ‘day!

Ganito nga, ‘di ba…. nang mag-host itong Pamintang Gwapings na host sa Davao ay talang “set your sprit free” ang drama niya dahil sabi ba naman sa mga staff ng show ay gusto raw niyang ang magmamasahe sa kanya ay lalaki, at take note! Nag-request pa na dapat daw, guwapo!! Sabay kilig-look ang Pamintang Gwapings.

Ang hindi niya alam ay naroon din ang aking Parazzi girl. Shocks! Mahiya naman siya, ang shuba-shuba na niya, eh, tapos gumaganu’n pa… Kaloka! Buti pa ang kambal niya ay ubod nang pagkaguwapo at ayun ang talagang lalaki! Ayyy!!! Given na!

Kailangan pa ba ng clue?? Mukhang hindi na dahil baka magalit ang mother niya eh, ‘di ba, ‘dong? Ay naku, ‘dong! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleFrancine Prieto, problemadong-problemado sa inang may sakit!
Next articleKris Aquino, walang pakialam sa mga taong walang silbi sa kanya!

No posts to display