Pokwang at Kris Aquino, ayaw tigilan ni Cristy Fermin!

OLA CHIKKA! HINDI na talaga maawat ang patuloy na pag-arangkada ng mga isyu sa komedyanteng si Pokwang sa column nitong si Cristy Fermin sa isang tabloid.

Halos araw-araw na nakasaad doon ang mga hindi magagandang balita sa komedyante. Walang utang na loob, mayabang, masama ang ugali, at hindi maganda ay iilan lamang sa mga nababasa ko sa column nitong ni Cristy. Hanggang kailan niya kaya planong isulat si Pokwang? Hanggang sa lumuhod ito sa kanyang harapan o hindi kaya kapag humingi ng tawad at pasasalamat sa kanya maging ang kanyang mga kaalyadong si Willie Revillame at Mo Twister?

Kung tutuusin naman ay wala talagang atraso itong si Pokwang kay Cristy. Kung babasahin n’yo ang kanyang column ay puro sa ibang tao ang sinasabi niyang pinagkakautangan ng loob ni Pokwang, hindi sa kanya. Sa kaso naman ng komedyante at ni Mo, labas din si Cristy du’n, ngunit patuloy pa rin niyang tinitira si Pokwang. Bakit hindi na lang niya tigilan dahil tutal sa kabila ng halos araw-araw na pagsusulat niya tungkol sa komedyante ay hindi naman siya pinapansin, dedma lang siya. Kaya kawawa ka naman, Cristy! Pak!

AT ISA PANG laging present sa column nitong si Cristy ay ang presidential sister na si Kris Aquino. Kung si Pokwang ay araw-araw, si Kris naman ay magkabilaang isyu. Nasa main article na, nasa blind item pa. Taray, ‘di ba?! At hindi lang iyan, ha? Napansin ko rin na hindi lang itong si Cristy ang may paborito sa First Sister kung hindi maging halos buong tabloid na pinagsusulatan niya.

Halos lahat ng entertainment columnist doon ay sumusulat ng against kay Kris. Ang hindi nakaligtas sa aking obserbasyon ay noong lumabas ang isyung pinapa-ban daw itong si Tetay sa telebisyon dahil umano sa mga sinasabi at interviews, lalo na sa SNN at The Buzz.

Kung ako kay Kris ay ipa-ban niya ang mga ganu’ng tabloid dahil sa hindi patas na pagkakalat ng balita. Baka kung sakaling bigyan niya ng isa iyang mga ‘yan ay matauhan. Ha-ha!

Wala naman akong nakikitang masama sa mga sagot niya. Taklesa siya, oo. Pero, hindi naman ito nakasasakit or nakasisira sa ibang tao, malamang sa sarili niya puwede pa. Sadyang nilalagyan lang talaga ng mga tao ng malisya ang bawat kilos niya dahil aminin na nating lahat na itong si Kris ay hindi lang basta artista at host kung hindi First Sister na siya kaya malamang inaasahan ng mga tao ang pagiging perpekto nito.

Ang akin lang, sana gawan na niya ng aksiyon or solusyon ang mga intriga sa kanya, dahil kung kaya niyang tiisin at sanay na siya sa mga ganu’ng paninira ay isipin na lamang niya ang kanyang presidenteng kapatid. Kung hindi siya kasi kayang sirain ng mga detractors niya ay malamang na idadawit na maging ang kanyang kapatid. ‘Di ba?!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong young couple na dating nagkasama at nagkaanak pa ngunit ngayon ay hiwalay na?!

Ang chikka kasi ay sa kabila ng paghihirap, maisalba lang ang relasyon nila ay agad silang naghiwalay matapos magkaanak. Kaya ngayon ay wala na sila officially at may kanya-kanya nang buhay.

Ngunit ayon sa aking parazzi girl, nagkikita pa ang dalawa hindi dahil lang para sa bata kung hindi para sa kanilang sarili! Bakit?!

Kahit wala na sila ay patuloy pa rin nilang ginagamit ang isa’t isa upang mapunan ang seksuwal na pangangailangan nila! Taray, ‘di ba?! Kahit hiwalay na ay may nangyayari pa rin sa kanila. Mukhang loyal pa rin sila sa isa’t isa dahil sa dami ng ibang taong magkakagusto sa kanila ay sila pa rin ang nagkakamutan.

Ha-ha! Ayaw ng mga celebrity parents n’yo ng ganyan!

Ano na-gets n’yo na? Kung hindi n’yo pa rin mahulaan ay alamin sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 a.m. – 12 nn, kaya makigulo at maging una sa mga chikka kasama ang aking mga parazzi girls na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 – 3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleNapatay na suspected leader ng carnap group, pinsan ni Robin Padilla!
Next articleNabuking na may iba pang babae: Cristine Reyes, Binasted si Rayver Cruz!

No posts to display