Pokwang, ‘flop’ ang concert?!

OLA CHIKKA NOW na!!! Well tapos na po ang All Souls’ Day at All Saints’ Day at kung tatanungin n’yo naman ang Tita Swarding, siyempre dinalaw ko po ang puntod ng lola at tatay ko sa Marikina at ang kamag-anak ko d’yan sa San Mateo, Rizal. At siyempre, kasama ko ang kapatid at kamag-anak ko, mga anak ko at apo ko… at hindi natin puwedeng palampasin ang chikka.

Umpisahan na natin ang Pilipinas Win na Win. Kinabog talaga nito ang Willing Willie kahit magkaiba ang timeslot. Siyempre, sino ba ang magdadala ng show eh ‘di ang mga host at co-host, at para naman sa Pilipinas Win na Win, ang management talaga ang sumusuporta. Hindi katulad ng Willing Willie, wala talagang kadating-dating. Kaya lang naman tinatangkilik ng ibang tao ‘yan dahil sa papremyo. Pa’no kung wala ng papremyo? Saan na sila pupulutin sa bayan? Ha-ha-ha!

Si Sen. Villlar lang ang sumusuporta sa kanilang show at wala talagang kalatuy-latoy ang kanilang show. Kahit ang mga co-host niya ay walang husay. Magtatagal kaya ang Willing Willie? O, hindi talaga mawiwili ang mga tao sa kanila…?

Ewan ko ba, lalo na ‘yang isang co-host niya na wala namang alam kung hindi magpa-cute lang. Sino pa ba? Alamin n’yo na lang sa susunod na kabanata?

AT SIYEMPRE, SI Boyet muna raw ang papalit sa trono ni Ate Vi bilang governor dahil marami talagang pinagkakaabalahan si Ate Vi ngayon. Ang taray! Mapabuti kaya ang pamamamahala ni Boyet pansamantala sa Batangas?

AT NALOLOKA RIN ako sa detractors ni Pokwang, dahil flopsina daw ang kanyang concert. Ha-ha-ha!

Para sa mga bayaran, sori to sey dahil bongga raw ang naging concert niya. Sabi ng aking parazzi girls, marami raw talagang sumuporta sa lola mo. Ang taray!!!

BLIND ITEM: SINO siya? Sinetch itech… mahulaan n’yo kaya itong aktor na lasenggero? Ha-ha-ha! Ayan given na agad at ang chikka dito ay maglalasing muna daw ito bago makipag-make keme o make love sa mga merlat? Mas ganado raw kasi ang aktor ‘pag nakainom. Kaloka!

Eh, ‘di ba ‘yung mga ibang hombre ‘pag nakainom wit nabubuhay ang kanilang notes? Ha-ha-ha!

Ibang klase talaga itong aktor na ‘toh! Kaya naman hindi rin talaga siya makalimutan ng mga babae niya, mapamatanda o T-bird o bata, ha-ha-ha!

Ikaw na nga ang maglasing muna, ha-ha-ha!!! Para wild and award-winning ang performance level mo!!! Kaloka!!!

PARA SA MAS maraming clue, makining na lang po kayo sa aking programang Ola Chikka Now Na!!! simula Lunes hanggang Biyernes, 11:30-12 ng tanghali sa dwss1494khz, o kaya sa aming online streaming http://dwss-am.mellow947.fm for more chikka kasama ko ang aking co-host na si Lady Camille. More chikka, more fun, badjao!!!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous article2 ARTISTANG LALAKI, MAY ITINATAGONG KAELYAHAN SA KOTSE?!
Next articleSam Pinto, ginagamit si Marian Rivera para sumikat?!

No posts to display