Pokwang, ‘di pa rin makapaniwalang kasama si Dolphy sa movie! – Ogie Diaz

Juice ko, hindi kinaya ng powers namin ‘yung production number ni Vice Ganda nu’ng Tuesday sa kanilang “Magpasikat” segment sa Showtime, ang “kinaaadikan” ngayon ng madlang pipol.

Napanood n’yo ba ‘yon? ‘Yung nu’ng unang song niya, lalaki pa siya. Tapos, sinasabunut-sabunutan niya ‘yung girl na karelasyon niya. Tapos, ‘yun pala, lalaki ang gusto niya, hahaha!

Eh, ‘yung nadulas pa sa kanyang pagkahaba-habang gown si Vice, kaya ‘yung baba niya ay tumama sa gilid ng kama hanggang sa ilipad na siya sa kanyang harness na ang galing-galing, grabe!

“’Naku, ‘teh, ang sakit-sakit ng balakang ko hanggang ngayon. Nabali na yata ang mga ribs ko sa nakakalokahng buwis-buhay na production number na ‘yon!”

Sa true lang, sobrang love ni Vice ang Showtime, kaya kahit ikamatay na ng lola n’yo, gagawin niya ang lahat mapasaya lang niya ang audience.

“Next week, baka ibuwis ko na ang buhay ko makapagpasikat lang!” Banta pa ni Vice Ganda.

HONESTLY, HINDI NA namin nahintay ang Megastar Sharon Cuneta sa presscon ng Mano Po 6, dahil 3:30 P.M. nang dumating si Mega at kami ay may lakad pa, kaya na-miss namin ang aming kumare.

Kilala n’yo naman ang lola n’yo, isang tanong, labing-isa ang sagot. Siya ‘yung tipong napakasarap interbyuhin, dahil may sense, may laman at hindi boring kausap, kaya kahit 3:30 P.M. na siya dumating ay sulit na sulit naman ang ipinaghintay ng movie press.

Bigla tuloy naming naalala ‘yung Maging Sino Ka Man nila ni Robin Padilla nu’ng dalawin namin siya sa taping. Juice ko, sa daldal ni Sharon, naka-nine pages kami sa Mariposa Publications.

Juice ko, magkano rin ‘yon nu’ng araw, P175 per page ang bayad, hahaha! Hay, naku, kaya pa kaya naming magsulat nang gano’n kahaba ngayon?

Parang hindi na. Masyonda na ‘ko for that. Hahaha!

Si Pokwang naman, parang “sirang-plaka.” Juice ko, hanggang ngayon, hindi pa rin niya maimadyin na ‘yung dating iniidolo lang niya, pinanonood lang niya, aba, eh, makakasama pala niya.

Sino pa nga ba ang aming tinutukoy, kundi si Tito Dolphy na ever tatay niya at personal choice siya ng Ace Comedian sa Nobody, Nobody But Juan.

“Hay, nako, marse,” tawag sa amin ni Mareng Pokwang, “Ang suwerte-suwerte ko talaga. Juice ko, imagine, meron ka nang Dolphy, me Gloria Romero at Eddie Garcia ka pang kasama sa movie?

“Juice ko, mare, kahit siguro walang bayad, okay lang sa akin, eh. Mga sikat sa showbiz ang kasama mo. Kaya masisisi mo ba ako kung nagpapaka-fan lang ako ngayon?”

Oo naman. Aba’y kami rin kaya, naghahabol din noong araw kina Gabby Concepcion at Aga Muhlach, ‘no!

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM radio at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12 NN.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “Pokwang, ‘di pa rin makapaniwalang kasama si Dolphy sa movie! – Ogie Diaz

  1. pinagssabong ng GMA ang showtime at wowowee?eh mismo si willie inaaway nya ang showtime dahil nattalo na ratings nila sa wowowee..kayo tlgang mga kapamilya lahat na lang sinisisi nyo sa GMA..tsk tsk..

  2. Ang GANDA GANDA ng Showtime kaya naman, pinipilit na pagsabungin ng GME ang Showtime at Wowowee para hindi mapansin na nilalampaso sila ng SHOWTIME……at least kahit matalo sa rating ang wowowee ng Showtime, KAPAMILYA pa rin……………..

    • ang utak kya inilagay ni lord sa itaas pra gamitin…ikw ang utak mo cguro nsa tlampakan…npakaba2w ng pag-iisip mo…lol

    • pinagssabong ng GMA ang showtime at wowowee?eh mismo si willie inaaway nya ang showtime dahil nattalo na ratings nila sa wowowee..kayo tlgang mga kapamilya lahat na lang sinisisi nyo sa GMA..kapuso ako pro hindi sarado isip ko..sana ganun din ung iba dyan..pinpanood ko showtime kc maganda tlga..i like ASAP lalo na pag andun c Sarah, Matanglawin, Tv patrol etc

      • Oh hindi ba??? alangan namang kapamilya ang magsabong sa parehong kapamilya shows? paki gamit ang brains!!!!! at saka kailan naman nagalit si Willie dahil sa Showtime, palagi ngang binabanngit ni willie na manood ng Showtme at palaging gini greet on air sina Vhong at anne dahil dumaan sila sa dressing roon ni willie para kamustahin sya, so paano mo masasabi na galit si Willie sa Showtime….

        Huwag gumawa ng kwento tapos itatanggi sa huli….ive me proof na inaaway ni willie ang showtime…sige nga!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.