Pogi, wanted

PINAGHAHANAP ANG isang alyas Pogi at kasama nang holdapin ang gasolinahan sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang suspek na si Fernando Villar Jr., nasa hustong gulang ng Marilao, Bulacan.

Sa ulat, ala-1 ng umaga, sakay ng motorsiklong walang plaka ang mga suspek at nagpakarga ng gasolina sa Caltex Gasoline Station sa MacArthur Highway, Malinta ng lungsod.

Isa sa mga supek ang mabilis na lumapit sa kaherang si Michelle Santos bago sapilitan binuksan ang booth.

Tinutukan ng baril si Cruz bago kinuha ang benta na aabot sa P18,000.

Bago tumakas ay nagpaputok ng baril ang mga suspek at makalipas ang ilang sandali ay nagpunta sa presinto sina Cruz, kung saan nang ipakita ang photo gallery ng mga holdaper na minsan nang nahuli ay positibong kinilala si Villar na isa sa mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.