Poe at Legarda, nangunguna

NANGUNGUNA SI Grace Poe-Llamanzares sa karera sa Senado base sa pinakahuling unofficial result mula sa Commission on Elections (Comelec) transparency server.

Sumusunod naman sa anak ng namayapang si Fernando Poe Jr. at dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman si incumbent Senator Loren Legarda na una na ring lumamang sa mga survey bago ang eleksyon.

Bagama’t pasok sa mga pre-election surveys, pero maging si Poe ay aminadong nasorpresa siya sa naging resulta ng botohan.

“Ang aking makinarya po ay hindi kumplikado kaya para sa akin po suntok sa buwan. Ang ayaw ko lang po talaga ay ‘wag mapahiya ang pangalan ng tatay ko kaya talagang sinipagan ko po,” ani Poe.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.