Pobreng Pinagkaitan ng Patas na Hustisya!

0919574xxxx – Tol Raffy, sana po ay matulungan ninyo ako sa aking problema. Ako po ay isang tricycle driver at sa hindi inaasahang pagkakataon, nabangga po ako ng isang van na pagmamay-ari ng isang pulis. Ito pong si PO3 Emie Gadon ang humahawak ng aming kaso. Sa kanya pong police report ay maliwanag na makikita na hindi patas ang batas. Hindi po niya inilagay na hit and run ang nangyari sa akin. Bagkus pinalalabas pa po na ako ang may kasalanan samantalang ako na nga ang agrabyado. Dahil ba sa pulis ang sangkot at ako ay mahirap lamang na walang kalaban-laban sa kanila? Kayo na lamang po ang inaasahan ko na makakatulong sa aking suliranin. Mabuhay po kayo.

 

0908352xxxx – Mr. Action Man, sobra po talaga ang pagkabuwaya ng mga pulis dito sa West Service Road sa may Alabang. Gabi-gabi na lang po ang ginagawang pangongotong ng mga ito sa mga motor at truck. Ang mga malalaking sasakyan po ang paborito nilang hulihin. Tatanungin po agad ang driver kung naka-tsinelas at pabababain sa sasakyan at pasusunurin sa isang madilim na lugar para pag-usapan at aabusuhang bigyan ng violation ang driver ng sasakyan. Dito na nila ngayon kikikilan at sasabihing magbigay na lang para hindi na maabala.

 

0918550xxxx – Boss Raffy, gusto ko pong isumbong sa inyo ang mga tamad at mga walang silbing tanod dito sa aming lugar sa San Lorenzo Ruiz, Taytay, Rizal. Napa-karami pong mga problema dito sa aming lugar katulad ng nakawan, pag-aaway, barilan at holdapan. Matagal na po naming idinudulog ito sa aming baranggay chairman na utusang rumonda ang kanyang mga tanod para mabawasan ang krimen. Pero mga nakatunganga tuwing gabi at mga nakataas pa ang mga paa habang nanonood ng TV. Sila po ay patuloy na sumusuweldo sa kabila ng pagiging batugan nila. Ito po ay kinukunsinti ng aming punong barangay.

 

0912968xxxx – Idol Raffy, nais ko pong humingi ng tulong sa WANTED SA RADYO. Isa po akong biyahero at nais ko pong ireklamo ang mga taga LTO sa lugar ng Capas at Concepcion, Tarlac . Masyado po ang ginagawa nilang panggigipit sa mga driver ng truck. Ang lahat po ay kanilang pinapara at biglang hihingan ng halagang P50 hanggang P100 bawat isa sa amin. Kahit po kami ay walang  nilalabag na batas. Ang sasabihin pa ng mga makakapal ang mukhang ito ay pambili lang nila ng tubig. Idol, kami nga po ay nagtitiis magutom at mauhaw pagkatapos ay ganyan pa ang kanilang gagawin. Sana naman po ay maawa sila sa aming pamilya. Umaasa po kami na mabibigyan ninyo ng aksyon ang problemang ito. Maraming salamat po.

 

0916284xxxx – Sir Tulfo, gusto ko pong ireport sa inyo ang raket na ginagawa ng mga pulis dito sa lugar ng Cabuyao. Sa araw-araw po napakaraming kumukuha ng police clearance dito. Sila po ay hindi nagbibigay ng resibo kapalit ng aming ibinayad sa kanila. Siguradong mayroong mataas na nakikinabang sa raket na ito. Sana po ay maiparating ninyo sa kanilang pinuno ang mga kalokohang ginagawa ng kanyang mga tauhan. More power po sa inyong show.

 

PARA SA inyong mga sumbong at reklamo mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming Aksyon Center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.