PNP, Tiniyak na Magiging Patas sa Kaso ng Pangha-Harass kina Sen. Revilla

TINIYAK NG pambansang pulisya na magiging patas ito sa pagtutok sa kaso hinggil sa pagkakahuli sa anim na NBI agents na nahulihan ng mga baril sa Cavite kamakailan.

Una rito, nagkainitan ang mga kasapi ng regional public safety battalion ng PNP at ang umano’y anim na NBI agents at tumakbo sa loob ng compound sa bahay ni Senator Bong Revilla.

Sinabi ni PNP Chief Police DIrector General Alan Purisima na wala pang nakikitang anumang liability ang PNP sa panig ni Sen. Revilla.

Dahil sa naturang insidente, umalma si Sen. Revilla ng pang-haharass mula sa mga miyembro ng Cavite PNP laban sa kanyang pamilya.

Ayon sa senador, sasampahan nito ng kaukulang kaso ang mga pulis na nang-harass sa kanilang bahay.

Samantala, kinumpirma ni PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo na sinampahan na nila ng kaso ang anim na kasapi ng NBI agents na nahaharap sa kasong Illegal Possesion of Firearms at paglabag sa Comelec gun ban.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.