PNP-SOCO, Tutulong sa Pagkilala sa mga Bangkay sa Mindanao

MALAKING BAHAGI ng mga narekober na bangkay sa pananalasa ng Bagyong pedro sa Mindanao ang hindi pa rin nakikilala hanggang sa kasalukuyan.

Kaya anman pinag-aa-ralan na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapadala ng mga miyembro ng crime laboratory sa Mindanao para tumulong sa pagkilala ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Pablo.

Ayon kay Police Chief Superintendent Generoso Cerbo, tagapagsalita ng PNP, bagama’t may mga tauhan na ng crime lab sa Mindanao, pinag-uusapan na nila ang pagpapadala ng mga kawani ng scene of the cime operatives (SOCO) para tumulong sa pagkuha ng mga fingerprints ng mga labi na epektibong paraan para sa pagkakakilanlan ng isang tao.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.