PNP: Patay sa Bagyong Yolanda, Aabot sa 10,000

PINANINIWALAANG NASA 10,000 katao ang pina-ngangambahang nasawi sa Leyte sa paghagupit ng Bagyong Yolanda.

Ito ay base sa isinagawang pagtantiya ng lokal na pamahalaan ng nasabing lalawigan.

Sinabi ni Police Regional Office 8 (PRO-8) regional director C/Supt. Elmer Soria na lumalabas sa kanilang pagpupulong kamakailan ni Leyte Governor Dominico Petilla at base sa kanilang isinagawang assessment nasa 10,000 katao ang namatay sa naturang lugar.

Subalit sa batay sa talaan ng NDRRMC nasa 151 ang naiulat na binawian ng buhay sa nangyaring kalamidad na maaari pang madagdagan sa mga susunod na araw.

Napag-alaman na ang syudad ng Tacloban ang siyang sentro ng lalawigan na lubhang apektado sa hagupit ng super typhoon.

Hindi naman ipinaliwanag ng heneral ang naging pagpupulong niya sa gobernador bagama’t inihayag nito na pinaniniwalaang nasa 10,000 katao ang nasawi sa bagyo.

Samantala, iginiit naman ni Soria na nagpapatuloy ang kanilang search and rescue operation partikular sa syudad ng Tacloban.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.